32: Yngrid Marie Lucero

53 2 0
                                    

"Losing you again"

Kahit anong gawin ko ay hindi na talaga bumalik sa dati iyong friendship namin ni Jeff. Hindi na talaga ito naging maayos. Nalaman kong inaway niya pala ang mama niya at pumunta sa isang probinsya. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang siya lumipat doon.

Minsan isang araw ay pinuntahan ko siya sa maliit na bungalow house niya sa bayan ng San Alfonso. Nakiusap ako sa kanya na kausapin muna ako. Pero nagmamatigas pa rin siya sa akin.

Ilang buwan akong pabalik-balik ng San Alfonso at parang baliw na nakikiusap sa kanya na patawarin ako sa nagawa pero nanatiling matigas ang puso niya.

Kahit na umiiyak ako sa tuwing ipinagtatabuyan niya ako pero sege pa rin ako sa pagsunod sa kanya. Napapabayaan ko na nga ang pagrereview at nagsiskip ako tuwing weekends.

Minsan isang araw ay final coaching na namin sa pagrereview dahil sa susunod na lingggo na ang exam. Pero ako itong si gaga ay hindi umattend. Pinuntahan ko ulit si Jeff sa San Alfonso.

Hindi alam ng parents ko maging ni Nathan ang mga pinaggagawa ko. Kahit na nangangamba sa paparating na board exam pero kailangan ko pa ring makausap si Jeff.

Hindi ko kaya na tuwing gabi ay patuloy akong umiiyak dahil sa nangyayari sa amin. Hindi ko kaya na mawala siya sa akin ng tuluyan.

Nag-enrol pala siya sa isang malaking university sa bayang ito. Love Hurts University ang pangalan ng eskwelahan.

Shemay. Nang-aasar ba ang may-ari ng skwelahang ito? Bakit ito ang pangalan?

Balita ko ay nakagradute naman siya sa States sa kursong engineering. Bakit bigla siyang nag-enrol dito? Ah baka sinisimulan na niya ang kanyang masters.

Sinundan ko siya pati sa loob ng eskwelahan at hindi ko inasahan ang makikita ko.

Natigilan ako sa nakita at napasinghap.

Anong ginagawa ni Abbygail sa eskwelahang ito? Nakita ko silang nag-uusap. Mukhang tinatry ni Jeff na kumbinsihin ito. Mukhang nagtatalo silang dalawa.

Ilang sandali pa ay umalis na si Abbygail. Gusto ko sanang lapitan siya ulit pero nawalan yata ako ng lakas ng loob para gawin 'yun.

Pinahid ko ang mga luha at nakakainis na umiiyak na naman pala ako.

Lumipas ang ilang oras ay tawag na ng tawag sa akin si Nathan. Hindi ko sinasagot ang mga calls niya at ini-off ko na lang ang cellphone ko.

I'm sorry Nathan. I'm sorry.

Gabi na at paniguradong hinahanap na ako sa amin pero sinundan ko pa rin siya. Nagtaka ako kung bakit hindi ito umuwi sa bahay niya. May pinuntahan siyang isang bar at doon uminom ng uminom.

Nakakubli lang ako malayo sa kanya. Nag-aalala na baka kung ano pa ang mangyari sa kanya. Ilang oras ang lumipas ay umalis na siya.

Kahit ang laki na ng gastos ko sa taxi ay wala akong pakialam. Pera lang naman yan.

Nagagawa nga ng pag-ibig. Nakalimutan kong nagtitipid pala ako ngayon dahil maliit lang ang sahod ko. Tsk.

Tumigil ang sasakyan niya sa isang napakalaking bahay. Namangha ako sa kabuuan ng bahay. Ang ganda naman ng bahay na ito.

Kaninong bahay kaya ito?

Pero laking gulat ko sa nakita kung sino ang lumabas sa malaking bahay na 'yun. Nakita ko si Abbygail at pinagbuksan si Jeff.

Mukhang lasing na lasing na talaga si Jeff. Ipinagtutulukan ni Abbygail na lumabas na si Jeff pero mabilis itong pumasok sa loob ng bahay.

Nag-aalala ako baka ano pa ang mangyari sa kanila. Lasing pa naman si Jeff.

YES, I LOVE YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon