41: Yngrid Marie Lucero

37 3 0
                                    

"Alumni Homecoming"

"Inky!"

Mabilis kong sinara ang laptop nang biglang dumating si Nathan. Nagulat talaga ako.

Hinihintay ko kasi siya rito sa room dahil mayroong dinner party ngayon dito sa school. Supposed to be Alumni Homecoming kaya lang hindi na siya naka-attend sa parade kanina dahil sa kanyang duty.

Mabuti at extended ang celebration. Magkakaroon pa ng event this night.

Ngayon lang din ako nagkatime na makapahinga mula sa mahabang activities kanina. Ginawa yata akong photographer ng event. Hindi ko maintindihan ang principal namin kung bakit ako pa ang kinuha ay hindi naman ako ganun ka galing.

Dahil bago pa lang sa serbisyo ay wala nalang ako nagawa kundi ang pumayag at saluhin lahat ng lakad at takbo kanina.

Magsusuot na sana ako ng heels nang biglang lumapit sa akin si Nathan at may kinuha sa dala niyang paper bag.

Napadilat pa ako nang may kunin siyang isang white flat sandals at isinuot ito sa akin. Bumagay ito sa akin at nagpasalamat naman ako sa kanya.

"Alam kong pagod 'yang mga paa mo kanina. Wag ka na magsuot ng heels."

Naiilang akong napangiti ulit sa kanya.

"Ready ka na ba?"

Napatayo na ako at sinipat niya naman ang suot kong black maxi dress na hanggang lagpas tuhod. Nagbaon na lang ako ng susuotin para hindi na umuwi ng bahay para magbihis.

"You look great!"

Napaubo ako ng kaunti mula sa sinabi niya. Simula nang magtapat siya sa akin ay nakakapanibago na ang mga magagandang salita na lumalabas sa kanyang bibig. Actually parang nakakaasiwa na ganito siya sa akin. Hindi ako sanay.

"S-salamat. Ikaw din."

Nathan looks dashing in his maong chambrey shirt paired with black jeans. His hair was brush up. He kinda look someone who's going to a date than attending a semi-formal party.

Ewan ko ba. Siguro ako lang itong na-aawkward sa kanya. Until now, hindi pa rin ako makahuma sa aking desisyon kung tatanggapin ko ba ang pag-ibig niya.

Nang makarating kami sa malaking gym ng aming school kung saan gaganapin ang event ay agad ko namang hinanap kung saan ang table ng aming barkada. I told them in our GC na e-reserve nila ako ng dalawang seats.

Nang mamataan ko sila sa bandang gitna ay agad akong kumaway. Nakita ako ni Tessa at mabilis naman siyang tumayo at kumaway din sa akin.

Inaya ko na si Nathan at tumungo na sa gitna.

"Oh my gosh Inkyyy!" Si Bryle na obvious na nagulat kung bakit kasama ko si Nathan.

Hindi kasi nila alam ang tungkol sa amin ni Nathan. Simula magkalabuan ang pagkakaibigan namin ni Jeff noon ay hindi na kami masyadong nagkikita. Naging busy na rin kami sa kanya-kanyang trabaho.

"Is this for real?!!" Tinawanan lang namin ni Nathan si Bryle at naupo na. I saw Tessa playfully smile at us. Parang inaasar pa ako sa mga tingin niya.

In fairness na-miss ko silang dalawa ni Bryle.

Ilang sandali ay nag-start na ang program. Matapos ang awarding at pasasalamat sa mga sponsors ng event ay napasinghap pa ako nang tawagin magkasunod ang pangalan nila Jeff at Nathan. Both of them donated huge amount for this event.

"Grabe, bigatin ka na talaga ngayon Nathan!"

Ngumiti lang ng konti si Nathan sa tinuran ni Bryle at tumingin sa akin ng seryoso. Hindi ko masalubong ang tingin niya at nagsimula na lang akong kumain.

YES, I LOVE YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon