" Sudden change in the heartbeat of my heart"
Pagkatapos ng pageant ay masaya kaming nagcelebrate dito sa loob ng tent nila Jeff. Naglaro kami ng truth or dare gamit ang mineral bottle.
Hindi kami allowed na magdala ng mga bawal kagaya ng alak at sigarilyo. Since last night na ay nagkaroon ng disco sa gitna ng field. Ang ingay-ingay at ang hirap marinig ng mga sinasabi nila.
" Uy! Truth or dare?"
" Syempre! Pahihirapan ko pa ba ang sarili ko! Dare!"
Natawa kami sa sinabi ni Tessa. Loko talaga ang babaeng ito! Akala ko truth ang sasabihin niya.
" Halikan mo nga sa pisngi ang crush mo!" Napangisi kami lahat sa dare ni Jeff.
" Daya naman! Ayoko nga! Truth nalang!"
" Okay! Sege sabihin mo sa amin sino crush mo?!"
Hindi ko alam kung paano e-drawing ang mukha ni Tessa sa gatong ni Bryle.
" Ang daya niyo!"
" Ikaw ang KJ! Sabihin mo, sino crush mo?!" Ang kulit ni Bryle at di na tinantanan si Tessa.
" Ayoko na! Pagod na ako! Magsayaw nalang tayo!"
Napikon na yata si Tessa. Asus! Ayaw pang sabihin nito kung sino eh alam naman namin na si Enzo Rodriguez ang crush niya. Kaya lang hindi siya nito pinapansin. Campus heartthrob ito samantalang nobody lang si Tessa.
Pinagbigyan na namin siya at sumunod sa kanya. Nagsayawan kaming lima at hindi magkamayaw sa kakatalon habang nakiki-jam sa bokalista! Ang galing ng kinuha nilang banda. Ngayon ko lang nasabi na worth it naman pala ang binayad naming registration.
Kaya naman pala tinipid sa pagkain kasi baka mahal ang bandang nakuha.
Napapayakap si Jeff sa likod ko habang tinataas ko ang kamay. Dati kung nagiging ganito ka touchy siya sa akin ay hindi ko na iyon pinapansin kaya lang may duda akong hindi ito magugustuhan ni Betina. Kaya ang bilis ng ginawa kong pagtabig sa kanyang mga kamay.
Nagtaka pa siya sa gulat mula sa naging reaksyon ko pero hindi ko nalang siya pinansin at nagpatuloy na sa pagsigaw at pagsayaw.
Nasa harapan kami malapit sa stage.
Wow! Ang gwapo pa ng bokalista! Sinubukan kong i-abot ang mga kamay sa kanya at hindi naman ako nabigo at tinanggap niya iyon.
Binatukan ako ni Bryle kasi aminado akong kamay niya sana ang mahahawakan pero inagaw ko iyon. hehe
" Walang hiya kang babae ka!"
" Aray! Tama na Bryle!"
Natatawa silang tatlo sa amin ni Bryle. Hanggang sa may nabangga ako sa aking likod. Paglingon ko ay napanganga akong napatingin sa crush ko!
Teka, matagal na ba siyang nasa likod ko?
" Sorry, Timmy."
" Okay lang, Inky. Nasaktan ka ba?"
Napakagat ako sa aking labi. Kahit maapakan mo pa ang ingrown ko ay okay lang talaga!
" Nako, hindi!" Sa gulat ay bigla niya akong hinila palayo sa barkada. Napatingin ako kina Jeff na noon ay hindi ko alam kung bakit ang dilim na ng ekpresyon sa mukha.
Hinila na ako ni Timmy lalo. Hindi ko nalang binigyan ng kung anong kahulugan ang reaksyon ni Jeff. Siguro dahil lang iyon sa dilim ng lights dito sa ground.
BINABASA MO ANG
YES, I LOVE YOU
Dragoste( CHANGE OF HEARTS: SEASON 5) Growing up together is not a big deal with Inky and Jeff. Para silang kambal na halos hindi mapaghiwalay sa lahat ng bagay. Always there for each other even in the ups and downs in life. They are the best of good frien...