" I love you first"
" Ang galing mo talaga anak! Kaya proud na proud ako sayo! Ipapakita ko kaagad ito sa papa mo. Siguradong matutuwa siya!"
Parang wala akong naririnig sa sinasabi ng mama. Card distribution kasi ngayon.
Nakatingin lang ako sa kanya. Siya na ngayon ay yakap-yakap ni Jeff.
Naikuyom ko ang mga kamao habang pinagmamasdan silang dalawa.
Nakita ko si Betina na mukhang naiinis na rin sa ginagawa nila. Acually ang mas nakakainis talaga ay itong si Jeff.
Nakapaka-clingy niya sa lahat ng babae rito sa room lalo na kay Inky.
" Nathan, anak—
" Bahala ka ma. Ipakita mo sa kanya 'yan kung gusto mo." Kahit na ang bastos ng ginawa kong pagbara sa mama pero inis nalang akong umalis ng room at pumunta na sa SSG room.
Since dumating ang Jeff na 'yan ay nag-iba na rin ang pagtingin ko kay Inky. Hindi ko alam kung may hihigit pa ba sa inis na nararamdaman ko sa tuwing magkasama sila.
Kung pagseselos ang maaring itawag sa nararamdamang ito ay hindi ko nagugustuhan ang nagagawa nito sa akin. Hindi matanggap ng aking pride na nagseselos ako sa lalaking 'yun.
Ang sana na pagdiskarte ko kay Inky ay biglang naudlot nang dahil sa nakikita kong kakaibang friendship nila.
Minsan sa sobrang inis ko kay Inky ay nang mahuli ko siyang nangongopya sa akin sa English. Hindi ko napigilang isumbong siya sa titser namin.
Naparusahan siya na maglinis ng CR sa buong campus. Instead na ako dapat ang tutulong sa kanya pero naunahan ako ng lalaking 'yun.
Palagi ko silang nakikitang sweet sa isa't isa. Naiinis ako sa tuwing binubuhat ng lalaking 'yun si Inky. Niyayakap ng walang pasabi. Minsan hinahalikan pa sa pisngi.
Kahit alam ng lahat na may gusto si Jeff kay Betina, pero nagtataka pa rin ang lahat kung bakit ang mga ikinikilos nito ay kakaiba sa mga sinasabi. Parang mas may gusto pa siya kay Inky kesa kay Betina.
Nakakagalit ang pagiging epal ng lalaking 'yun.
Isang araw niyan nagtaka na lang ako kung bakit lumayo si Inky sa barkada nila at iniiwasan si Jeff. Matutuwa na sana ako pero nang e-announce ni Betina sa lahat ang relasyon nila ni Jeff ay nakita ko si Inky na pumasok sa loob ng CR namin sa room.
Matagal siya bago lumabas doon. Namumula ang kanyang mata nang makita ko siyang lumabas na at tumabi sa akin.
Natahimik ang puso ko nang marealize ang lahat.
Tsk. So nahulog na pala ang kanyang loob sa lalaking 'yun.
Gusto ko sana makipaglapit sa kanya. Baguhin ang impression niya sa akin nitong nakaraang taon. Simulan ang bagong yugto ng damdamin ko para sa kanya kaya lang sa huling pagkakataon ay nag-alangan ako.
Kaya naman sa pambubuska ko naipapakita ang totoong damdamin sa kanya. Kahit na naiinis siya sa akin pero okay na 'yun. Kahit paano natutuwa ang puso ko na at least napapansin na niya ako sa ganitong paraan.
Hindi ko alam kung paano babaguhin ang masamang pagtingin niya sa akin. Hindi ko alam kung paano tanggalin lahat ng sama ng loob niya sa akin.
Pero nang dumating ang Valentines day at napagdesisyunan ko na sana klaruhin sa kanya lahat ng nararamdaman ko pero nakita ko siyang malungkot na nakatingin kina Jeff at Betina na kinakasal.
Magbabayad na sana ako sa blind date booth para sa aming dalawa. Pero bigla kong nakita ang mukha niyang inis na inis sa akin. Inirapan niya ako.
Napapitlag naman ako. Hindi ko inasahan 'yun. Kaya ang nangyari, pina-cancel ko nalang ang blind date sana namin.
BINABASA MO ANG
YES, I LOVE YOU
Romance( CHANGE OF HEARTS: SEASON 5) Growing up together is not a big deal with Inky and Jeff. Para silang kambal na halos hindi mapaghiwalay sa lahat ng bagay. Always there for each other even in the ups and downs in life. They are the best of good frien...