" How to stop the pain?"
May mga sugat tayo na minsan hindi kayang gamutin ng kung ano mang gamot sa botika. Kasi minsan may mga sugat na sadyang hindi gumagaling. May mga sugat na sadyang natutunan na nating dalhin at hindi alam kung kailan iyon mawawala sa atin.
But there are painkillers that can be bought over the counters that becomes our companion in dealing the pain. There are pain relievers that can make the pain go away for a while, though they never last, at least there still a short remedy in all these wounds.
Naranasan niyo na rin ba iyon? Na sa walang katapusang sakit na nararamdaman niyo ay para na kayong mababaliw kung paano ito patitigilin?
You become desperate, and suddenly you have this surge desire to do everything just to stop it. And when you finally found the answers to your struggles, you cling to it as if your whole life depends on it.
You become dependent to that cure like all you want is to possess it. Absorb it to your system, and be greedy enough to keep it inorder to never be seen by anyone. Knowing that if others found it, this cure will be gone. And you're not mentally prepared for this to happen.
Jeff has become my constant pain reliever from everything that I'm going through in this life. The trauma is slowly fading as long as I know he is just there. Never leaving me, and will always be there no matter what happen not thinking that one day it will just end.
Sana nga lang isang painkiller si Jeff na kaya kong bilhin ulit sa botika kapag naubos na. Kaso nag-iisa lang siya sa mundong ito. Hindi out of stock kundi nabubukod tanging gamot lang para sa akin.
Kahit paano nakatulong naman iyong psychiatrist na ne-recommend niya sa akin. Sa ilang buwan ko na pagpasok kahit may kaba pa rin na nakakubli rito sa aking dibdib ay araw-araw patuloy ko pa ring pinatatatag ang sarili. Dahil wala namang ibang gagawa nun sa sarili ko kundi ako lang.
Kailangan kong maging matatag alang-alang sa mga pangarap ko at para sa mga taong mahal ko. Mabuti at andyan si Jeff para umalalay sa akin.
Second sem at ngarag na naman ang buong estudyante ng PNU dahil mag-mimidterm exams na. Ilang gabi na akong puyat sa kamememorize ng mga bansa sa bawat pitong kontinente. Pati mga capitals nila ay kailangan ko ring memoryahin.
Isa sa pinakanahihirapan akong subject sa majoring ay ang Geography. Hindi pa ako tapos sa pagmememorize sa mga landmarks sa bawat kontinente ay ngayon problema ko pa kung paano masaulo ang countries and capitals. Isa pa sa pinoproblema ko ay ang mangyayaring map quiz.
Itinali ko ang mahabang buhok. Alas dose na ng gabi at inaantok na talaga ako. Kahit gusto ko ng matulog at gigising na lang ng madaling araw para mag-aral pero narealize ko hindi na talaga ako magpapa-scam sa sarili.
Gising in my face? Sinong niloko ko?
Kaya kahit inaantok ay humigop na lang ako sa ika-sampong tasa ng kape na nainom ko ngayong gabi. Grabe, tingin ko dumadaloy na sa ugat ko ang kape. Nasa sistema ko na yata sa buong katawan ang caffeine.
Salamat talaga sa kape dahil nagagawa kong araw ang gabi.
" Hindi ka pa ba matutulog Inky?"
Nilingon ko si Jeff na nasa tapat ng sofa at napansin kong kanina pa siya parang may tinitingnan sa kanyang cellphone. Panay ang swipe nito sa screen ng mamahalin nitong Iphone.
Nakayakap siya sa kanyang gitara. Pero dahil nagmememorize ako kaya hindi na niya iyon pinatugtog. Panay din ang memorize ni Tessa sa loob ng kwarto dahil exam din nila. Kaya naman mas pinili kong sa sala na lang mag-aral para mas makapag-concentrate.
BINABASA MO ANG
YES, I LOVE YOU
Romance( CHANGE OF HEARTS: SEASON 5) Growing up together is not a big deal with Inky and Jeff. Para silang kambal na halos hindi mapaghiwalay sa lahat ng bagay. Always there for each other even in the ups and downs in life. They are the best of good frien...