" My sunrise"
Walang pagkatutong mangyayari kung hindi mo muna mararanasan na magkaroon ng mahirap na leksyon sa buhay.
Walang pagsisisi na nauuna. Palagi itong nasa huli.
Napakatanga ko.
Ang tanga-tanga ko para maniwalang may isang tao na kaya akong mahalin sa paraan na kaya akong alagaan at respetuhin.
Buong bakasyon akong hindi lumabas ng bahay at kahit gusto ko ng tumigil sa pag-aaral dahil sa trauma na nangyari sa akin pero nanatiling tikom ang bibig ko at walang alam ang mga magulang ko sa lahat. Maging sina Bryle at Tessa ay walang ideya sa totoong nangyari sa akin ng gabing iyon.
Hindi ko alam kung ano ang gagawin kung hindi dumating si Jeff. Hindi ko talaga alam.
Tuwing gabi ay umiiyak ako at kahit nagtataka na sila inay at itay kung bakit palagi akong tahimik sa bahay at palaging nakakulong sa loob ng kwarto ko pero nanatili pa ring tikom ang bibig ko sa katotohanan.
Hindi na rin ako kinulit ni Jeff na magsumbong sa mga police dahil okay na raw ang lahat at wag na akong mag-alala pa.
Hindi ko maintindihan ang ibig niyang sabihin pero nanatili pa rin akong tahimik sa nangyayari.
Nabalitaan ko bago matapos ang 2nd sem ay nag-file raw ng leave of absence si Timmy at walang nakakaalam ng dahilan kung bakit biglaan iyon. Kahit na nalaman kong bumalik na ito ng Canada pero hindi pa rin talaga ako napanatag. Hindi ko pa rin talaga kayang pumasok ulit.
Pero kahit sa kabila ng takot ay mas pinili ko pa ring tatagan ang loob at inisip ang mga pangarap sa sarili.
Kasalanan ko naman ang nangyari. Kahit biktima ako rito pero walang ibang dapat sisihin sa nangyari kundi ako. Ako na hinayaan ang sarili na maniwala na ang mundong ito ay tahimik at walang mga halimaw na nakatago.
Pero mali ako. This world is so cruel with its corruptive people.
Napaiyak ulit ako. Bakit kailangan may sisihin ako sa nangyari? Bakit kailangan parusahan ko ang sarili na isiping kasalan ko ang lahat?
Hindi ba pwedeng tanggapin ko na lang na sadyang minalas lang talaga ako? Na sadyang nagkamali ako sa pagtitiwala ng tao?
Bakit hindi na lang ako maging masaya na kahit paano ay walang mas malalang nangyari sa akin? Bakit hindi nalang iyon ang isipin ko? Bakit hindi na lang ako maging positibo? Bakit ang hirap maging positibo?
Pero kahit ano pa man ang gawin natin ay sadyang may mga laban tayo sa buhay na hindi natin kayang sabihin sa iba. May mga laban na hindi natin sinasabi at nanatiling tahimik dito sa ating puso.
" Inky..andito na si Jeff."
Mabilis kong pinahid ang mga luha at sinimulan ng kunin ang malaking bag ko. Sabado ngayon at kailangan na naming bumalik sa condo dahil pasukan na naman sa Lunes. Second year na ako at sana ngayong taon ay wala ng masamang mangyari sa akin.
" Inky, ready ka na?"
Huminga ako ng malalim at humarap sa kanya. Ngumiti ako sa kanya. Ibinigay ko ang buong ngiti umaasang hindi niya mahalata ang lungkot sa aking mga mata.
" Tayo na!" Napalunok ako at binuhat na ang malaki kong bag.
Tinulungan niya ako at nagsimula na kaming magpaalam kina inay at itay. Nagmano na kami bago umalis.
Habang nasa byahe ay tulala akong nakatingin sa labas ng bintana.
" Gutom ka ba., Inky? Gusto mo Mcdo muna tayo?"
BINABASA MO ANG
YES, I LOVE YOU
Romance( CHANGE OF HEARTS: SEASON 5) Growing up together is not a big deal with Inky and Jeff. Para silang kambal na halos hindi mapaghiwalay sa lahat ng bagay. Always there for each other even in the ups and downs in life. They are the best of good frien...