7: Yngrid Marie Lucero

55 3 0
                                    

" Kiss and Tell"

Habang kumakain kami ng lunch dito sa bahay ay napansin kong parang tulala si Betina. Kakauwi lang namin mula sa camp.

Dahil linggo ngayon ay wala pa ang parents ko. Nagsimba sila at paniguradong hapon pa iyon makakauwi.

Gusto ko na sana magpahinga at hindi na sana kakain nang biglang dumating si Betina at nagdala ng fried chicken. Syempre dahil mas nanaig ang katakawan kesa sa labis na pagod ay yun sinunggaban ko na. Sayang naman. Bawal mag-aksaya ng pagkain.

Sumabay na rin siya sa pagkain sa akin.

" May problema ba, Betina?"

Napalingon siya sa akin at hindi ko alam kung bakit tila nananaginip ang ekspresyon ng kanyang mukha.

" Naranasan mo na ba ang mahalikan? "

Ha? Bakit out of the blue na naitanong niya yan sa akin?"

" Sa pisngi ba? Dahil kung sa pisngi ay oo, maraming beses na."

Lintek na. Naalala ko na. Si Jeff lang naman ang taong humahalik sa pisngi ko.

Naalala kong hindi kami ganun ka sweet sa pamilya ko at hindi namin nakasanayan na maghahalik sa pisngi kung bumati. Palagi akong nagmamano kina inay at itay sa tuwing aalis o darating ako ng bahay.

Hindi rin kami ganun ni Betina. Yakap at akbay kasi ang kalimitan naming mga gestures sa bawat isa.

Sa tuwing na-eexcite si Jeff ay palagi itong nanhahalik sa pisngi which is wala naman kaso sakin noon. Hindi ko iyon nilalagyan ng malisya kasi halos kaming lahat sa barkada ay ginaganun niya tuwing hindi nito ma contain ang saya. Naghahalik nalang ito parati sa pisngi namin.

" Hindi. Sa lips."

Napadilat ako sa narinig sa kanya. Tila ang natutulog kong diwa ay nagising.

" Ha? Of course! Hindi pa! Virgin pa itong lips ko, nu. Never been kissed. Never been touched." Sabay hawak sa bibig ko. Ay natouch na pala.

Lihim akong napahagikhik sa mga pinag-iisip ko ngayon.

Natawa siya sa sinabi ko at pinahid ang mga nagkalat na sauce sa aking bibig.

" Bakit mo bigla naitanong?"

Tumingin siya sa kanyang chicken joy na hindi pa nauubos. Kanina pa niya ito tinititigan. Ayaw na ba niya sa kinakain? Kung ayaw niya pwedeng akin na lang?

" May sekreto akong sasabihin sa'yo ha. Pero promise mo muna sa akin. Wag na wag mong sasabihin sa iba."

Ha? Ano kaya ang sasabihin niya?

" Oo naman! Kailan pa ako nagshare ng secret mo sa iba?"

Tumingala siya at sinundan ko naman ang tingin niya. Bakit? Anong meron sa kisame namin?

" Nag kiss na kami."

Nakita ko ang butiki sa kisame at napamulagat. Ano?! Ano iyong sinabi niya?

" Nag-kiss nino?"

" Ni Jeff." Ngumiti ito na tila baliw.

Ha? Paanong..seryoso ba siya?

" Weh? Di nga?!"

" Totoo." Kinikilig pa nitong wika.

" As in?!"

" Oo nga sabi, eh! Ito naman paulit-ulit!"

Natahimik ako at napalabi. Talaga ba? So ibig sabihin nito..

YES, I LOVE YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon