43: Yngrid Marie Lucero

50 3 1
                                    

"I'm sorry"

" Ang liit mo pa rin hanggang ngayon." Sabay lapat ng kamay niya sa noo ko.

Tinabig ko 'yun at sinimangutan siya.

" Anong ginagawa mo rito?!"

Natawa siya sa ekspresyon ko at madaling umakbay sa akin. Iginiya niya akong maupo sa mga semento roon.

" Ano ba! Baka hinahanap na nila tayo."

" Nako. Gusto mo lang yata makabalik agad sa nobyo mo."

Inirapan ko siya at humalukipkip.

" Mukhang seryoso si Nathan sa'yo ah."

Napatda naman ako sa lungkot na nahimigan sa kanyang boses.

" Bakit? Gusto mo ba hindi ako seryosohin ng mga lalaki?"

Tumingin siya sa akin pero natigilan naman ako. Ang seryoso kasi ng pagkakatitig niya sa akin.

" Hindi. Gusto ko nga maging masaya ka."

Hindi ko alam kung bakit may sakit akong naramdaman dito sa puso nang sabihin niya 'yun.

" Mabait si Nathan at mahal niya ako."

Umiwas ako ng tingin sa kanya at sinubukan na hindi maluha. Hindi ko alam kung bakit ang sakit pa rin sa puso na hanggang ngayon hindi pa rin niya ako mahal.

" Jeff..paano kung.. .

Hindi ko naituloy ang sasabihin. May isang parte sa aking puso na nag-aalangan na sabihin ito.

" Ano 'yun Inky? Anong paano?"

Napayuko ako at napalabi. Bumuntong hininga ako.

" Ang lalim 'nun ah. Bakit? May problema ba?"

Umiling ako saka inangat muli ang tingin sa kanya. Nag-aalala ang mga tingin niya sa akin.

Tsk. If only I could warn my heart to never overthink or feel anything whenever I see his concern look, but I always end up falling deeper. I can't keep up with my emotion.

"Wala..gusto ko lang sana tanungin kung ...

Again another hesitation. Nahihiya kasi akong itanong ito sa kanya.

" Ano ba kasi 'yun?"

Huminga ako ng malalim at napatitig sa kanyang mga mata.

" Paano kung hindi mo ako matalik na kaibigan Jeff? Posible kayang magustuhan mo rin ako?"

Biglang napaawang ang kanyang labi sa narinig sa akin. At napatda naman ako.

Tila ngayon lang ako nahimasmasan sa sinabi.

Napailing ako.

Shit. Lasing na yata ako.

Tsk. Pero alam kong nasa matinong pag-iisip pa ako. Aware ako sa mga nangyayari ngayon.

Umiwas ako ng tingin sa kanya at malungkot na nakatingala mula sa mga nag-iilawang tutubi.

" Joke lang. Ano ba. Wag mo seryosohin ang tanong ko. Umalis na pala si Betina. Sinundo kasi ng kanyang nobyo."

Narinig ko siyang napa-ungol ng kaunti bilang tanda ng pagtango sa sinabi ko.

Hindi namin alam kung ilang minuto kaming nasa ganung posisyon. Tahimik lang na nakaupo habang pinagmamasdan ang mga tutubi.

Walang ni isa ang gustong magsalita. Mukhang nasira ko na yata ang moment dahil sa tanong ko kanina.

"Kahit magkaibigan pa tayo Inky. Gusto naman talaga kita."

YES, I LOVE YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon