" fall for you, even more"
" Kumusta ang pag-aaral mo?" Nasa terrace kami ng condo ngayon. Limang buwan na rin kami sa kolehiyo at masasabi kong hanggang ngayon nag-aadjust pa rin ako.
Actually nasanay na rin ako na malayo sa mga magulang. Ang hindi ko pa talaga keri ay ang nakakapressure na mga school works. College life is never that easy. Tama nga sila. Magsusunog ka talaga ng kilay.
Hindi na pwedeng umasa sa katabi mo. Kailangan mag-aral ka talaga dahil kapag nahuli kang nancheat ay nakakatakot ang mangyayari sa'yo. Ngayon na talaga ako nagsisi na palagi akong nangongopya nooong high school ako.
" Ayoko na maging guro, Jeff."
Natawa siya sa sinabi ko. Lumapit siya sa akin at umakbay. Tanaw mula sa aming pwesto ang nagkikislapang mga ilaw mula sa buong syudad ng Maynila. I tried to look up in the sky to see any stars pero wala akong makita.
" Alam mo, kaya mo yan! Ikaw pa!"
Tsk. Ako pa. Palibhasa matalino siya eh.
" Ang pressured sa school na iyon Jeff. Hindi pa nga natatapos ang isang sem pero sinasabi na sa amin na kailangan namin ipasa ang board exam sa darating na panahon. Ayoko na Jeff. Saka sa reporting kanina sa P.E ay ginisa ako ng bakla naming prof. Napahiya ako sa lahat, Jeff."
Pinapahid ko ang mga luha sa aking mga mata. Hanggang ngayon nanginginig pa rin ako sa takot mula sa pagkapahiyang iyon. Ginisa ba naman ako ng tanong ng prof namin. Wala akong masagot talaga at palpak pa ang naging performance namin ng kagrupo.
Isinandal niya ako sa kanyang balikat at umiyak ako ng todo dun. Nang tumigil ako sa kaiiyak ay lumayo ako ng kaunti sa kanya.
" Natatakot akong ma fail. Natatakot akong madissapoint sila nanay at tatay sa akin."
Nakinig lang talaga siya sa mga hinaing ko sa school. Hinayaan niya akong makapag-vent sa nararamdamang stress.
" Okay lang yan. Nag-aadjust ka pa lang naman. Hayaan mo kapag nasanay ka na ay maliit na bagay na lang yan sa'yo. Kung may nahihirapan kang subjects ay sabihin mo lang sa akin. Tutulungan kita."
Napatitig ako sa gwapo niyang mukha. Jeff physique becomes even firmer now. Simula nang magcollege kami ay mas lalong lumaki ang katawan niya. Naging mas gwapo rin siya.
Hindi ko maiwasan mapatitig sa maninipis niyang labi. Napalunok ako at nang-init bigla ang pisngi ko. Shit. Kailan pa ako tinubuan ng ganito ka lalang physical attraction sa kanya?
Napaiwas ako ng tingin sa kanya at malungkot na tumingin sa kawalan. Kaya tayo nafafall ng maigi eh. Hindi lang siya gwapo kundi ang bait pa.
Patawarin mo sana ako Betina kung minsan natetempt na akong mahalin pa siya ng todo.
" Ikaw kumusta ka naman sa school mo?"
" Okay lang."
" Anong okay lang?"
" Okay lang. Pero iba pa rin kapag kasama ko kayo."
Napalingon ako sa kanya at malungkot siyang napatingin sa akin. Minsan parang gusto ko na siyang tanungin sa totoong nararamdaman niya sa akin. Nacucurious na rin kasi ako. Sa bahay ay halos tuksuhin na nila ako kay Jeff. Pinaparinggan na ako ni mother Teresa na gusto niya maging jowa ko ito.
Gusto ko sana eh kaya lang it's complicated. Hayst!
Pero may gusto kaya siya sa akin?
" Jeff, kung papipiliin ka. Mas gusto mo bang maging jowa ang kaibigan mo?"
BINABASA MO ANG
YES, I LOVE YOU
Romance( CHANGE OF HEARTS: SEASON 5) Growing up together is not a big deal with Inky and Jeff. Para silang kambal na halos hindi mapaghiwalay sa lahat ng bagay. Always there for each other even in the ups and downs in life. They are the best of good frien...