12: Yngrid Marie Lucero

56 4 1
                                    

" Marriage Booth"

Sa totoo lang hindi naman talaga ako nagkabulutong. Nilagnat lang ako pero hindi totoong may nakakahawa akong sakit. Sinabi ko lang iyon para masanay na akong hindi nakikita si Jeff.

Ilang araw niyang sinubukan na kausapin ako pero matigas talaga ako sa naging desisyon na putulin na ang koneksyon ko sa kanya.

At mukhang effective naman kasi Betina announce to everyone na official na sila ni Jeff. Napangiti ako ng malungkot at tagong napaiyak sa CR ng room nang sabihin niya iyon.

Nang magsimula na ang klase ay may natanggap akong text mula kay Betina. She thank me kasi kung hindi dahil sa ginawa ko ay hindi magtatapat sa kanya si Jeff.

I replied a smile emoji to her. Lumingon siya sa akin at nag-senyas ng thumbs up. Hilaw akong ngumiti sa kanya.

Math iyong subject at nagsurprize quiz pa talaga iyong teacher namin. Hindi ako nakapag-review kagabi sa kakaisip sa nangyari at heto nga mukhang mazezero na naman ako.

Nako..baka e-repeat ko ang subject na ito. Pang-ilan na zero ko na ito ah.

Napalingon ako sa katabi na si Nathan. Napangiwi naman ako nang makitang todo cover talaga siya sa papel niya.

" Oo na. Hindi ako mangongopya sa'yo. Kahit nasa gipit akong sitwasyon. Hindi ako kakapit sa patalim."

Nakakainis ang lalaking ito! Ilang araw ko rin tiniis na makatabi siya. Wala akong choice kasi ito lang ang vacant seat sa likod. Wala kasing gustong tumabi sa kanya kaya naging vacant ang seat na ito.

Lumipas ang ilang minuto ay nag-exchange clockwise na kami at nang mareceive ang papel ko ay nakita ko agad ang malaking zero rito.

Gusto ko sana kuyumusin ito kaya lang mabilis itong kinuha ni Nathan. Sa gulat ko ay may kinuha siyang bagong papel sa notebook niya.

Kapareho ito sa kanya na may nakasulat na mga sagot. Perfect ang score niya sa test habang iyong isang papel ay may 5 mistakes. Hindi perfect pero pasado na. Kahit paano mas mabuti na iyon kesa sa zero.

Binigay niya sa akin ang papel na may 5 mistakes.

" Lagyan mo ng pangalan. Bilisan mo baka may makakita."

Nagulat man pero maagap ang mga kamay kong hinablot iyon. Mabilis ang ginawa kong paglagay ng pangalan dito at ipinasa na kasama ng papel niya.

Gusto ko sana magpasalamat sa ginawa niya pero nagduda naman ako. May kapalit kaya ang pagtulong niyang ito sa akin?

Pero lumipas ang araw ay hindi ko pa rin siya magawang tanungin kung bakit niya ginawa iyon sa akin. Naulanan ba ito kaya nagawa niya iyon?

Pero nang sumunod na quiz ay akala ko tutulungan pa rin niya ako pero laking gulat ko na hindi siya lumingon sa akin. Ni buksan ang cover sa kanyang sagutang papel ay hindi niya ginawa.

" Hanggang ngayon hindi ka pa rin natututo. Di porke't tinulungan kita noon ay aabusuhin mo naman. Pabaya ka talaga sa grades mo." Matigas niyang bulong sa akin habang hindi lumilingon sa akin.

Nakaawang ang mga labi ko mula sa narinig sa kanya habang mapapaiyak na sa pagtingin sa blanko kong papel. Walang hiya. Na-scam yata ako. Akala ko nagbago na siya. Tsk. One-time big time lang pala yung tulong niya sa akin.

Haysst! Kaya ayun zero na naman ako.

Valentines day at walang klase. Abala ang mga students sa pagbibigay ng mga tsokolate at bulaklak sa mga titsers namin kasi nakaugalian na ito taon-taon. Pa-sipsip talaga para hindi ibagsak kasi malapit na ang graduation.

Abala rin ang mga may jowa na supresahin ang kanilang mga nobyo't nobya. Sana all may jowa!

May inihanda na program ang SSG at abala ang lahat ng officers sa pagpeprepare. Gusto ko na sana umuwi kaso hindi pa open ang gate.

Malungkot kong tinukod ang baba sa barandelya ng terrace dito sa hallway ng second floor habang nasa pisngi ang mga kamay. Gusto ko na talaga kausapin kahit sina Bryle at Tessa muna. Namimiss ko na kasi sila. Silang lahat. Ang barkada ko.

Tanaw ko mula rito sa aking pwesto ang nagaganap na program sa baba. May mga marriage booth na nagaganap sa harap ng stage habang may kumakanta naman ng love songs sa stage.

Okupado rin ang mga room dahil sa mga nagba-blind date. Ito na ang pagkakataon ng iba na magkachance na ma-blind date ang sarili sa crush nila.

Nakita kong naghiyawan ang lahat ng tao sa baba dahil kasalukuyang kinakasal sina Jeff at Betina. Sigurado akong si Betina ang nagbayad niyan.

Ako kaya? Kanina pa nangangati ang kamay ko na magbayad sa blind date booth para sa amin ni Jeff. Pero pinigilan ko pa rin ang sarili.

Pumikit ako at inaantok na napahikab. Pero nagulat pa ako nang makita si Nathan na inis na nakatingin sa akin mula sa malayo.

Nasa blind date booth siya at nakatingin sa akin. Inirapan ko naman siya at inis akong bumaba na.

Tumungo ako sa isang bakanteng room. Bago makapasok ay may nadaanan pa akong nagtitinda ng mga flowers at tsokolate sa ibang mga ginawang booth nila. Nakita ko rin silang dalawa na masayang-masaya na kinakasal.

Napalingon si Jeff sa akin at napawi ang ngiti nito. Malungkot akong nag-iwas ng tingin sa kanya.

Pumasok ako sa isang room at nilock iyon. Hindi ko alam kung ano itong room na napasukan ko basta pumunta lang ako sa mahabang upuan doon sa may likuran sa likod ng mga mahahabang mesa at nagsimula ng humiga.

Naririnig ko pa rin ang ingay sa labas. Rinig ko rin ang mga binitawan nilang vows to each other na mas lalong nagpakilig sa lahat.

Parang totoo talaga silang kinakasal. Sinubukan kong takpan ang tenga ko pero shit talaga. Parang sinasaksak ng kutsilyo ang puso ko marinig ang sweet nilang promises sa bawat isa.

Huminga ako ng malalim at malungkot na napaiyak.

Umiyak ako ng umiyak hindi ko alam anong gagawin. Gusto ko sumigaw pero walang lumabas sa boses ko.

Anong gagawin ko?

Bakit ang sakit pa rin ng puso ko hanggang ngayon? Hindi ko pala kakayanin na wala siya. Bakit ang selfish ni Betina na kahit maging friends siya ay hindi ko dapat gawin? Bakit kailangang ako ang magsakripisyo?

Hindi ko alam kung ilang sandali akong nagtanong sa sarili sa mga nangyayari hanggang sa nakatulog na ako. Umaasang sa paggising ay mawala na ang sakit na nararamdaman ng puso ko.

YES, I LOVE YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon