28: Yngrid Marie Lucero

64 2 0
                                    

" Stranded"

"Nathan anak, uuwi pa ba kayo? Dito na lang kayo matulog sa bahay. Delikado ang bumyahe ng ganito ka lakas ang ulan. Bukas na kayo umuwi. Ipahahanda ko sa mga katulong ang kwarto mo."

Ni hindi man lang kami makaangal ni Nathan mula ng sabihin iyon ng kanyang papa. Nanatiling tikom ang mga bibig namin.

" Matagal ka na ring hindi umuwi rito, anak. Kumusta na pala pag-aaral mo?"

" Okay naman po, pa."

" Pag-isipan mong mabuti ang desisyon mo. Kung gusto mong mag-asawa agad ay hindi ko 'yun tututulan. Basta bigyan mo lang ng chance ang sarili na hawakan muna ang kompanya natin."

" Pa..hindi po talaga ako interesado."

" Hindi interesado o baka nag-aalala ka lang sa kuya mo na baka magalit siya sa'yo? Don't worry kakausapin ko siya."

" Pa.."

Lumapit ito sa amin at tinapik ang balikat ni Nathan.

" I need you Nathan. Tulungan mo ako this time. Please save the company. I don't trust your brother anymore."

Nang makaalis ang kaniyang papa ay naiwan kami ni Nathan dito sa malaking hapagkainan nila. Walang gustong magsalita.

Pero napatikhim ako at tila nakaramdam ulit ng lamig mula sa backless kong damit.

" Uuwi na ako Nathan. Malapit lang naman dito ang sa amin."

Napatingin siya sa akin ng mariin.

" Bakit ka uuwi? Di mo ba nakikita na ang lakas ng ulan sa labas?!"

Pwede naman siyang hindi sumigaw di ba kung magsasalita siya? Bakit parang ginagalit na naman niya ako sa tono ng kanyang pananalita? Ha? Pwedeng kumalma muna? Baka kasi makalimutan kong nagtitimpi lang ako mula sa biglaan niyang pagdala sa akin dito.

Ngayon ang buong akala pa ng pamilya niya ay may relasyon talaga kami. Nako. Dahan-dahan ka sa pananalita mong lalaki ka!

" Eh, 30 minutes lang naman nasa amin na ako. Saka namimiss ko na rin parents ko.

Shemay. Alibi ko lang 'yun. Parang ang layo talaga ng Pasig sa Maynila.

" Hindi pwede. Magtataka sila kung bakit umalis ka."

" Ha? Ikaw na bahalang magpaliwanag. Siguro naman bayad na bayad na ako sa pagkakautang ko sa'yo."

Hindi ko alam kung bakit may pag-aalala akong nakikita sa kanyang mukha.

" Please.. can you do me a favor this time? Promise kapag ikaw na ang humingi ng pabor sa akin next time ay gagawin ko talaga."

He look desperate and base from what I have witnessed from his family a while ago. Alam ko hindi ganun kadali ang bigat ng problemang dinadala niya. Hindi ko mapigilan ang sarili na maawa sa kanya.

Kaya ayun pumayag na lang ako. Baka balang araw ay kakailanganin ko rin ang tulong niya.

Pero putrages! Parang nagsisi na tuloy ako na pumayag pang manatili sa kanila.

Akalain mo ba naman na isang kwarto lang ang ipinahanda ng papa niya. Sa kwarto lang niya!

" Wala ba kayong guest room, ha? Bakit tayo magtatabi?!" Parang mauubusan na sa pasensyang tanong ko sa kanya.

Nasa loob kami ng kwarto niya. Napaka-gara ng kwartong ito at masyadong malaki para sa isang tao. Tingin ko singlaki na ito ng bahay namin ah.

" Bakit sa guestroom ka matutulog? Di ba, fiancée na kita?"

YES, I LOVE YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon