"The Favor"
Nakaupo kami ni Nathan dito sa Serendra Park sa BGC. Naglakad-lakad muna kami kanina pagkarating namin dito. Naglibot sa mga museum at mall. Kahit sinasabi niya sa akin na bibilhan niya ako ng mga bags at shoes sa mga mamahaling boutique rito pero matindi lang akong umiling sa kanya.
Kahit pareho naming pinalilipas ang awkwardness na nangyari sa kanilang bahay kanina pero hanggang ngayon natahimik pa rin ang puso ko.
"Gusto mo kumain na tayo Inky? Gutom ka na ba?"
Tsk. Malamang kasi pass 9 pm na at puro lang kami snacks kanina. Ni hindi kami nag dinner ng maayos sa isa sa mga mamahaling restaurant dito. Sa tuwing nag-aaya kasi siya ay binabara ko na lang.
Hindi ko alam. Feeling ko hindi ako nababagay sumama sa kanya sa mga mamahaling establishemento rito. Siguro naapektuhan talaga ako sa sinabi ng mama niya sa akin.
" Busog na kasi ako eh. Saka baka mailang lang ako dahil hindi naman sanay 'yung dila ko sa pangmayamang pagkain dito." May halong sarkasmo ang mga sinabi ko sa kanya.
Hinubad ko ang suot na peep-too stiletto na kulay itim. Ilang oras kong tiniis ang haba ng heels nito para kahit paano hindi magmukhang maliit kapag kasama siya. Pero ganun pa rin talaga ang tingin ng ibang tao sa amin. Hindi pa'rin ako babagay sa kanya kahit ano pa ang gawin ko.
Tsk. Shota. Bakit ba ako nalulungkot ng ganito? Hindi naman kami totoong magkasintahan kaya bakit napaka-big deal sa akin ang mga sinabi ng mama niya?
Hinilot ko ang namamagang paa. Ngalay na ngalay na talaga ako. Tila ngayon ko lang naramdaman ang hapdi nito.
" Inky..sorry talaga. Hindi ko akalain na sasabihin 'yun ng mama."
Nakita ko siyang malungkot na napayuko. Kahit na puno ng paghihirap ang reaksyon niya ngayon pero natahimik na talaga rito sa puso ko.
Sa totoo lang pagod na ako. Hindi 'yung pagod sa kakalakad kanina, pero 'yung pagod mula sa stress ng araw na ito. Una na ang pagka-reject ng gawa ko tapos malalaman ko rin mula sa kanya na hindi talaga ako ganun ka galing sa pagsusulat. Tapos heto at dumagdag pa nang makaranas din ako ng matinding pang-iinsulto mula sa nanay niya.
Shoota. Kota na ako sa araw na ito!
Pinigilan ko ang sarili na maiyak na naman. Anong karapatan kong maramdaman lahat ng ito mula sa isang taong hindi ko naman totoong boyfriend? Masyado lang siguro akong naging dedma sa mga disadvantages ng pekeng relasyon na ito kaya tumagal ng limang taon.
Tsk. Sino bang niloloko ko? Nathan will always be that high for me. Kaya nga hindi kami umabot sa katotohanan kasi ang makarelasyon siya ay hanggang pantasya lamang.
Siguro wala pa itong nakikitang ipapalit sa akin dahil baka nagaganahan pa siyang asar-asarin ako. Ako naman itong si gaga ay iiyak-iyak lang sa isantabi kapag naaasar na.
Hindi ko alam na masyado na pala akong nasanay na masaktan kaya binalewala ko ang anumang babala rito sa aking puso. Na darating ang panahon na makakahanap din siya ng babaeng bagay talaga sa kanya. Iyong sing-talino niya, sing-yaman niya at siguro sing tangkad na rin niya!
Tsk. Nagseself pity na naman ako rito. At bakit ko ba ibinababa ang sarili sa isang taong hindi ko naman pinangarap na pantayan?
Pero hindi ko akalain na masakit din pala sampalin sa katotohanan na walang lalaki ang mamahalin ako maging sino man ako. I mean iyong kaya akong ipaglaban. Kayang sabihin na mahal ako. Kaya akong jowain ng totohanan. Hindi 'yung puro mutual understanding lang. Ayy feeling MU lang pala kasi ang totoo, puro unrequited love lang naman 'yung mga naeencounter ko.
BINABASA MO ANG
YES, I LOVE YOU
Romance( CHANGE OF HEARTS: SEASON 5) Growing up together is not a big deal with Inky and Jeff. Para silang kambal na halos hindi mapaghiwalay sa lahat ng bagay. Always there for each other even in the ups and downs in life. They are the best of good frien...