"My Harry"
1 year after. . .
Hindi ko alam na ang dating 10 followers ko sa wattpad ay naging 6 million followers. Dalawang taon pa lang akong nagsusulat sa platform na ito pero hindi ko lubos maisip na aabot ako sa ganito ka raming followers.
My first published story becomes a hit. Hindi ko akalain na sa pagiging fantasy-thriller stories pala ang kababagsakan ko. Lahat ng romance novels ko ay iniba ko ang plot. Ginawa kong fantasy at hindi ko alam na 'yun pala ang magpapadiskubre sa akin.
Nasa sampong story pa lang ako ngayon at lahat 'yun ay published na. All of my works become best-selling. Number one sa lahat ng bookshop.
Naihilig ko ang ulo mula sa aking foam na upuan. Nakatingin ako sa aking laptop. Nasa kwarto ako ngayon at sabado meaning walang duty sa school.
Kahit successful writer na talaga ako ngayon pero hindi ko naman maiwan ang pagtuturo. Masaya ako na makaserbisyo sa mga bata. Masaya ako sa mga ginagawa ko ngayon.
Though I retain my identity to be secret, but my editor is pushing me all this time to reveal my identity. Uso na kasi 'yan ngayon. Para mas lalong sumikat ang isang writer ay dapat makilala siya ng madla. Halos lahat ng social media accounts ko ay hindi alam ng mga die hard readers ko.
They've been convincing me to show my face, but I still refuse to do so.
Ewan ko. Siguro hindi pa ako handa na makilala ng mundo. Takot pa akong lumabas at baka mawalan ako ng ganang magsulat muli kung malaman nila na hindi naman talaga ako ganun ka best gaya ng mga gawa ko.
At saka hindi pa ako handang malaman ng mga tao sa paligid ko. Ayoko pa talagang malaman nila na ako si Lilac. Ang isa sa mga sikat na writers sa Pilipinas.
Simula nang maghiwalay kami ni Nathan, I mean nang lumayo siya sa akin ay nilugmok ko ang sarili sa pagsusulat. Lahat ng lungkot at panghihinayang ko sa nangyari ay ibinunton ko sa pagsusulat.
Kaya siguro ramdam ng lahat ang matinding emosyon ng bawat salita sa aking mga storya kasi may malalim na pinaghuhugutan 'yun.
Kahit na hindi naman naging totoo 'yung naging relasyon namin ni Nathan pero alam kong malaki pa rin ang naging epekto 'nun sa buhay ko.
Ang pekeng relasyon na 'yun ang sumalba sa akin sa kadiliman. Nathan was there with me, even if I wanted to shut the world.
Nakakalungkot lang isipin na kahit sa huli hindi ko nagawang suklian ang pagmamahal na deserve niya.
I click the draft stories at nakita ko roon ang isang unpublished novel ko.
Matagal na itong nasa aking drafts. Hanggang ngayon hindi ko pa rin magawa itong e-publish. I started writing this one during my high school days. Natapos ko lang ito when I was in college. Wala pa ako sa wattpad 'nun.
I open it from chapter one unto its last chapter. Napansin kong napakarami kong mali-mali. Well, hindi naman nakapagtataka kasi bata pa ako nang simulan ko itong isulat.
It is not a fantasy-thriller story. It is a pure romance novel at napaka-typical lang din ng plot ng storya. It is about the story of Harry and Hermione.
Kinakabahan akong ipublished ito baka kasi ito lang ang dahilan ng pagkabagsak ko as a writer. Sa lahat ng gawa ko, ito lang ang iba. Baka sabihin ginaya ko pa si J.K Rowling.
Natatakot akong baka hindi magustuhan ng mga readers.
Dahil sa wala naman ding magawa ay sinubukan ko nalang eedit ang ilang mali ko. May binago akong mga lines sa storya maging ang mga characters. Iniba ko na rin ang ibang plot at sinubukang gawing realistic ang story.
BINABASA MO ANG
YES, I LOVE YOU
Romance( CHANGE OF HEARTS: SEASON 5) Growing up together is not a big deal with Inky and Jeff. Para silang kambal na halos hindi mapaghiwalay sa lahat ng bagay. Always there for each other even in the ups and downs in life. They are the best of good frien...