"uninform girlfriend"
" Please..please .." Napahagulhol kong saad sa kanya.
" Inky? Anong nangyayari?"
" Please..don't touch me."
Mabilis ang ginawang pag-alis niya ng kamay sa ibabaw ng aking balikat.
" Inky..I'm sorry."
Kahit na may nahihimigan akong pag-aalala sa boses niya ay hindi pa rin ako nag-angat ng tingin sa kanya.
Pinahid ko ang mga luha at nanginginig na humarap sa pintuan. Pipihitin ko na sana iyon kaya lang nanghihina ang mga paang hindi ko magawang gumalaw pa.
" Inky?"
Hahawakan sana ulit niya ako nang mabilis akong umiwas.
" Inky? Bakit?"
" Just let me go home, Nathan. Please. Let me be home."
Akala ko pagbibigyan niya ang hiling ko dahil sa pag-iyak ko kaya lang nakalimutan kong isa pala siyang nakakainis na lalaki sa buhay kong ito.
" Anong home ang pinagsasabi mo? Walang uuwi hangga't hindi ka pa nakapagbabayad sa akin."
Inis akong napalingon sa kanya.
" Seryoso ka ba talaga ha?!"
" Oo naman! Tama na nga 'yang drama. Oh heto tuwalya! Maligo ka muna! May pupuntahan tayo pagkatapos mong magbihis!"
Nagulat pa ako sa pagsalo ng ibinato niyang tuwalya sa akin.
" Diyan ka na sa baba maligo at sa taas naman ako. May dress at heels diyan sa paper bag na nasa ibabaw ng sofa. Help yourself. Kailangang pagbaba ko tapos ka na, ha! Itong flashlight para hindi ka mahirapan."
Magsasalita pa sana ako nang umalis na siya sa harap ko at umakyat na.
Grabe. Hindi ako makapaniwala na ang bilis lang niya akong utusan! Ano akala niya sa akin? Member pa rin niya sa isang group presentation?!
Hanggang ngayon siya pa rin iyong bossy na Nathan na nakilala ko.
Tsk. Ano bang pumasok sa kukute ko at inisip ko pa talagang may gagawin siyang masama sa akin? Ako pagsasamantalahan niya? Ang kapal naman ng mukha ko na isipin iyon. Ang taas kaya ng standards ng lalaking 'yun!
Tsk. Baliw na ako. Imposebleng mangyaring pagnasahan niya ako. May puso ba 'yun? Tingin ko mukhang mas obsessed pa ang lalaking yun sa grades at pera niya kesa sa babae!
Pagkatapos maligo ay sinimulan ko na kunin ang damit sa paperbag. May nakita akong kulay itim na Gucci ankle strap heels. Siguro nasa 5 inches ito.
Napangiwi naman ako habang inis na napatingin sa itaas ng bahay niya.
"Baliw ba siya? Sa tingin niya kaya kong suotin ito?"
May nakita rin akong kulay itim na satin high low dress. Sleeveless ito at backless pa.
Nababaliw na ba ang lalaking ito? Teka, saan ba kami pupunta??!"
" Oh? Bakit hindi ka pa nagbibihis? Malelate na tayo niyan eh!"
Nakita ko siya na nasa taas ng hagdan. Tanging ang ilaw ng emergency light dito sa sala ang nagsisilbing liwanag namin. Nakaroba ako ngayon habang may tuwalya na nakapulupot sa aking ulo.
Naka white long sleeve polo siya na fitted habang naka-insert ito sa maong niyang pants. Medyo bukas ang sa didib na parte at nakita ko dun ang balbon niyang dibdib.
BINABASA MO ANG
YES, I LOVE YOU
Romance( CHANGE OF HEARTS: SEASON 5) Growing up together is not a big deal with Inky and Jeff. Para silang kambal na halos hindi mapaghiwalay sa lahat ng bagay. Always there for each other even in the ups and downs in life. They are the best of good frien...