" Emergency"
2 years after. . .
"If given a day in your life to go back in the past, what moment would you change? I mean, who is the first person you want to see again?"
Napalingon ako kay Bryle na seryosong nakatingin sa dalawang magkasintahan na masayang gumagawa ng sand castle habang papalubog ang araw.
Nasa gitna siya namin ni Tessa. Nakatukod ang mga kamay namin sa buhangin habang nakaupong nakaliyad. All our feet are spread.
Naka 2-piece bikini si Tessa habang nakasuot naman kami ng maitim na fitted rash guard ni Bryle. Nasa isang resort kami dito sa Anilao, Batangas.
Jeff invited us to join their scuba diving training here. Pumayag naman kaming tatlo kasi lahat sa amin hindi pa nata-try 'yun.
Akala namin, apat lang kami na magtetake ng session kaya lang isinama ni Jeff ang girlfriend niya. Si Abbygail na fiancée na rin niya ngayon.
At ngayon nga, tapos na kami sa pagda-dive kanina kaya heto masakit sa matang pinagmamasdan ko silang dalawa na masayang bumubuo ng sand castle.
Nakakatawa kasi both of them created a great castle like it is innate for them to make one. Ano ba. Pareho ngang civil engineer, di ba?
Tsk. Napaka-meant to be talaga. At aangal pa ba ako? When after all these years of break up, but now they're back together and so happy again.
"Grabe, ngayon naipagpatuloy na talaga nila ang naudlot nilang pag-iibigan noon. Mukhang alam ko na ang sagot ni Jeff sa tanong ko kanina. Ngayon na ako naniniwala sa second chance. Sana ako rin, sana magka-love life na rin ako. Nakakainggit na kasi, eh."
Parang bata na nangangarap talaga si Bryle habang sinasabi 'yun.
"Wag ka ng mangarap bakla."
Napa-ismid si Bryle mula sa tinuran ni Tessa. Tahimik lang itong nakamasid kina Jeff. Parang wala sa kanila ang diwa nito. Mukhang may napakalalim itong iniisip.
" Bruha ka talaga! Sana ikaw din! Sana wala ka ring mahanap na lovelife!"
Umayos ng upo si Tessa at pinagpag ang ilang buhangin sa kanyang mga kamay. She is so beautiful staring at the sea. Nililipad ng hangin ang ilang hibla ng kanyang buhok.
" Why bother with love when all it did to people was nothing? It's just a waste of time."
Napataas ng konti ang kilay ko mula sa sinabi ni Tessa. Wala akong masyadong alam tungkol sa lovelife niya at ni minsan hindi ko nabalitaan na nagkaroon siya ng kasintahan.
Hindi ko siya maintindihan kung bakit napakailap niya sa mga lalaki gayong sobrang ganda naman nito.
" Ang bitter! Para sa isang NBSB na tulad mo! Ang feeling ha na ganyan ang pananaw mo sa pag-ibig."
Umirap ng konti si Tessa at aburidong nakatingin sa dagat.
" Deserve natin maging masaya nu. Tingnan mo si Jeff. Masayang-masaya na talaga siya ngayon. Finally nakamit na niya ang happy ending na pinapangarap niya."
Tinukod ko ang ulo sa aking tuhod. Malungkot ko silang pinagmasdan. Hindi ko alam kung ang pagod na nararamdaman ko ngayon ay dahil ba sa maghapon naming ginawa kanina o may mas higit pa na dahilan.
I feel so tired seeing this event happen again and again. Me seeing him happy with other girls.
Happy ending? Tsk. Sa story lang may ganun, pero sa totoong buhay ay wala.
BINABASA MO ANG
YES, I LOVE YOU
Romance( CHANGE OF HEARTS: SEASON 5) Growing up together is not a big deal with Inky and Jeff. Para silang kambal na halos hindi mapaghiwalay sa lahat ng bagay. Always there for each other even in the ups and downs in life. They are the best of good frien...