18: Yngrid Marie Lucero

53 3 0
                                    

" hello college life"

Dahil sa bagong cellphone ay malaya na akong nakakapagfacebook. May groupchat na rin kami ng barkada. Palagi kong chinachat si Betina pero hindi niya siniseen ang mga messages ko.

Kumusta na kaya siya? Okay na kaya siya? Hindi ko maiwasan na malungkot pa rin kay Betina. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nakakalimutan ang pangako ko sa kanya.

Sa mga sumunod na araw ay naging abala kaming apat sa paghahang-out sa isa't isa. Sinulit talaga naming magbabarkada ang bakasyon. Nakakakaba ang college life kaya naman hangga't may oras pa kaming magsaya ay gagawin na namin!

Laking pasalamat ko sa Diyos at nakuha naman ako sa PNU. Nang tawagan ako para sa interview ay naglupasay ako sa kakatalon sa sobrang tuwa. Nagbiro pa si Jeff na disappointed sa nangyari. Hindi raw kami nito magkakasama ng school dahil sa pagkakatanggap ko.

Inignora ko ang mga biro niya at masaya talaga ako sa natanggap na balita.

Dahil sa traffic ay halos abutin ng dalawang oras ang byahe mula sa amin patungong PNU-Manila kaya nakapagdesisyon ang mga magulang ko na magdorm na lang ako sa school. May mga dorms din naman 'dun. 

Uuwi na lang ako sa amin tuwing weekend o kung may mga biglaang okasyon. Kaya lang dahil syempre hindi gustong mahiwalay ni Jeff sa akin kaya ayun kumuha siya ng isang condo para sa aming apat.

Hindi sana kami papayag dahil sa mahal ng babayaran at kahit pagsamasamahin pa ang upa naming tatlo ay hindi sasapat iyon pambayad sa magarang titirhan.

Pero dahil galante as always itong si Jeff ay sinabi niyang libre na ang pagtira namin doon sa condo.

Noong una hindi pa kami pumayag pero nang lumaon at narealize naming tatlo na hindi namin kaya ang college life na wala ang isa't isa kaya ayun pumayag na rin kami.

Dahil libre na sa titirhan ay ininsist namin kay Jeff na kami na ang bahala sa mga gawaing bahay maging sa bigas. Parang hindi talaga makakabili ng bigas sila Jeff sa naging ideya namin.

Wala naman itong problema at mabilis lang na sumang-ayon. Dalawa ang kwarto ng condo. Sa kabilang kwarto sina Jeff at Bryle habang dito naman kami sa kwarto malapit sa CR ni Tessa.

Malaki ang condo at sakto talaga para sa aming apat. Pinili talaga namin ang lugar na ito kasi malapit lang sa mga pinapasukan naming eskwelahan. Isang sakayan lang ng jeep. Pero dahil may car si Jeff ay mahahatid sundo lang niya kami.

Grabeh! Ang swerte talaga namin.

Nang dumating ang oras na kailangan na naming lumipat ay masaya akong nagpaalam na kina inay at itay. Hindi na ako nagpahatid kasi okay lang naman sa akin. Uuwi rin naman ako tuwing weekend.

Pero nang makarating kami sa condo ni Jeff ay nakita namin si Tessa na umiiyak habang niyayakap ang parents niya. Inihatid kasi ng kanilang mga parents sina Bryle at Tessa habang kami ni Jeff ay sabay nang pumunta rito.

" Mag-iingat ka rito anak ha. Palagi mo akong ea-update kung ano na ang ginagawa mo."

" Yes, ma. Mamimiss ko talaga kayo ni papa." Nang makaalis na ang parents ni Tessa ay hindi ko mapigilan ang sarili na matawa.

" Ito naman si Tessa parang ang layo ng Tondo! Tumigil ka nga sa kakaiyak mo!" Asar ni Bryle sa kanya.

" Eh ano ba pakialam mo bakla ka!" Umiiyak pa ring sigaw ni Tessa.

Lumapit ako sa kanya at inakbayan.

" Okay lang yan Tessa. At least kasama mo pa rin kami ngayong college life mo." Ngumiti siya sa akin at niyakap ako. Nakiyakap na rin sina Bryle at Jeff. Para kaming piniga ni Tessa dahil sa ginawa nilang dalawa. Kung makayakap ang mga ito ay parang wala ng bukas!

YES, I LOVE YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon