" My Hermione"
" Harry Potter"
There was this lost boy in a magic land
He's an orphan with a magic wand
He's a good friend to Ronald Weasly
A good companion to Hermione
He's the star of Gryffindor
Hogwarts' hope from Lord Voldemort
. . .
Hindi ko na natapos basahin ang ginawang tula sa akin ni Inky. Paborito ng barkada ang Harry Potter both movies and books. Kaya naman masaya akong sa wakas ginawan na rin niya ako ng tula tungkol dito.
Nasa entertainment room ako ng bahay at hinihintay ang barkada kasi magmomovie marathon na naman kami ngayon. At heto nga dumating na sila.
" Jeff! Prepare na ba ang food namin?" Natawa ako sa tanong ni Bryle.
" Oo naman!" Sumalubong ng yakap agad sa akin si Betina. Ngumiti ako at hinalikan siya sa noo.
Hinanap ko sa kanila si Inky pero mukhang hindi nila ito kasama.
" Nasaan si Inky?"
Nagkatinginan silang tatlo at parang walang may gustong magsalita.
" Masama raw pakiramdam niya eh." Si Betina at hinila na ako paupo.
" Ha? Wala naman siyang sinabi sa akin ah."
Tinatawagan ko si Inky pero hindi niya ito sinasagot.
" Huwag nalang tayo manuod. Puntahan na lang natin siya." Nagulat sila sa sinabi ko.
" Jeff..sabi sa akin ni Inky na huwag daw siyang dalawin kasi may chicken pox siya."
Napatingin ako kay Betina at hindi ko alam kung bakit may nahihimigan akong inis sa boses niya. Kaya kahit hindi ko gusto na hindi namin kasama si Inky ay nanuod na lang kami ng movie.
Hindi pa rin talaga ako mapakali. Ni wala sa movie ang diwa ko.
Kumusta na kaya siya? Bakit siya nagkasakit?
Nang matapos kami sa panonood ay inihatid ko na sa sila sa kanilang mga bahay. Nang maihatid ko si Betina ay gusto pa sana nito na pumasok ako sa kanila pero napatingin naman ako sa bahay nila Inky.
" Betina, puntahan natin si Inky sa loob."
" Ha? Gusto mo ba mahawa sa kanya?"
Pero hindi ko na siya pinakinggan pa at agad na akong nag door bell kina Inky. Bahala na. Nabakunahan naman siguro ako noon.
" Jeff!" Malakas na tawag sa akin ni Betina.
" Please, Betina." Nahihirapan kong pakiusap sa kanya.
Ilang sandali pa ay lumabas na ang nanay ni Inky. Nagmano ako at tinanong kung nasaan si Inky. Sabi niya hindi raw pwedeng makausap ito o madalaw. Malala kasi ang sakit nito.
" Pero pwede po bang maghintay ako sa kanya? Gusto ko lang siya makausap kahit sa labas na ako ng kwarto niya."
Narinig kong napasinghap si Betina sa tabi ko.
" Nako iho, pagpahingahin mo muna ang anak ko. Ayaw niyang lumabas sa kwarto."
Kahit anong gawin kong pakiusap kay tita Teresa ay hindi pa rin ito pumayag. Maging si Betina ay nakikita kong naiinis na siya sa akin dahil sa pagpupumilit ko.
BINABASA MO ANG
YES, I LOVE YOU
Romance( CHANGE OF HEARTS: SEASON 5) Growing up together is not a big deal with Inky and Jeff. Para silang kambal na halos hindi mapaghiwalay sa lahat ng bagay. Always there for each other even in the ups and downs in life. They are the best of good frien...