" Losing you again and again."
" Inky..umalis ka na." Kahit nahihirapan ay nagawa pa rin niyang sabihin 'yun.
" No..Jeff." Umiiyak na ako ng sobra. Ang dami ng dugo sa kanyang mukha.
" Jeff..."
" Uyy ang ganda naman ng maliit na babaeng ito. Hindi mo naman sinabi boss na may bonus pala tayo."
Nahintakutan ako sa narinig sa isang lalaki. Tila ang kaba noong muntik na akong ma-rape ay biglang bumalik ngayon.
" Inky..tumakbo ka na."
" Jeff.."
Niyakap ko siya ng mahigpit at umiiyak na napapikit.
" Kunin niyo na ang babae at ipasok sa kotse. Tuluyan niyo na ang lalaki."
Sa sobrang takot sa narinig sa kanila ay iniharang ko ang sarili kay Jeff. Ayokong patayin nila ito.
Bahala na kung ano ang gawin nila sa akin pero hindi ko hahayaang may gawin silang masama rito.
" Halika sabi babae ka!"
Pero hinigpitan ko lang ang pagkakapit kay Jeff.
" Maawa kayo please..pakawalan niyo na po kami."
Shuta! Akala ko sa teleserye lang nangyayari ang lahat ng ito. Hindi ko akalain na magkakatotoo ang lahat ng pinapanood ko sa TV.
Pero dahil likas na maliit syempre napakadali lang nila akong nahigit. Kahit nagpupumiglas ay wala pa rin akong laban sa kanila.
" Inky!!! Please patayin niyo na lang ako! Wag niyo siyang sasaktan."
Pero isang tadyak lang mula sa isang lalaki ang napala ni Jeff. Hindi ko alam ano ang gagawin. Kahit anong iyak at pagmamakaawa ko sa kanila ay wala pa rin 'yung epekto.
Hinila na ako ng mga lalaki at dinala sa ibabaw ng sasakyan.
" Boss! Hindi na ako makapaghintay! Tirahin na natin ang babaeng ito!"
Shits! Mukhang ito na talaga ang katapusan ko. Kung nakaligtas man ako kay Timmy noon ay ngayon mukhang wala na akong kawala sa mga hinayupak na mga lalaking ito!
" Maawa kayo please..maawa po kayo." Napahagulhol ako ng sobra dahil sa paghaplos nila sa dibdib ko.
Hinila ng isang lalaki ang blaser ko at nakita nila ang suot kong puting spaghetti sa ilalim.
Takot na takot ako mula nang makita ang naglalaway nilang mga mata sa suot ko.
Hinila naman nung isa ang suot ko na pantalon. Kahit anong sigaw at pagpupumiglas ko ay wala pa rin iyong kwenta sa mga hayuk nilang kaluluwa.
" Please tama na!"
" Inky!!! Please! Huwag! Huwag!!" Nakita ko si Jeff na galit na galit habang pinagmamasdan ang mga kababuyang ginagawa ng mga lalaki sa akin.
Sinubukan niyang tumayo at tumakbo sa akin. Kahit paano ay nakawala naman siya sa lalaking may hawak sa kanya. Tumakbo siya papunta sa akin at malakas akong hinila at nilagay sa kanyang likod.
Itinaas ko ang blaser na suot at binutones ulit ang pantalon. Mabuti nalang masikip itong suot kong pantalon. Kundi baka nahubad na talaga ito kanina.
" Uyy.. tingnan mo nga naman! Lumalaban ka pa pala. Bakit? Natatakot kang may mangyari sa girlfriend mo?"
Kahit sa mga sugat na natamo sa kanyang mukha ay pinilit pa rin niyang itago ako sa kanyang likod.
Parang iginupo ng matinding emosyon ang puso ko sa sobrang pag-aalala sa kanya. Hindi ko alam kung makakaligtas ba kaming dalawa ngayon dito.
BINABASA MO ANG
YES, I LOVE YOU
Romance( CHANGE OF HEARTS: SEASON 5) Growing up together is not a big deal with Inky and Jeff. Para silang kambal na halos hindi mapaghiwalay sa lahat ng bagay. Always there for each other even in the ups and downs in life. They are the best of good frien...