"Let go"
Ilang buwan na ang nakalilipas simula nang mangyari 'yun. Hindi ko akalain na mangyayari yun sa aming dalawa.
Akala ko katapusan na ng lahat pero hindi pa pala. Nahuli ang mga suspek pero dahil sa malakas ang koneksyon ng mga ito ay nagtaka na lang kami kung bakit nakawala ang mga ito.
Hindi na rin ako naghabol pa sa kadahilanang ayaw ko na ng gulo. Sa ikalawang pagkakataon ay tinalikuran ko na naman ulit makamit ang hustisya para sa akin. Sa ikalawang pagkatataon ay binitawan ko na naman ang pagkakataong lumaban para sa sarili.
Hindi ko alam. Siguro masyado na akong naging manhid sa lahat. Wala na akong maramdaman. Nag-aalala na ang mga magulang ko sa akin pati na rin si Nathan.
Kahit paano sa kabila ng nangyari ay nakapasa pa rin ako sa board exam at heto nga isang ganap na akong guro sa public school.
Nakapasok ako sa eskwelahang pinapasukan ng mga magulang at kahit paano ay medyo nalilibang na rin ako sa pagtuturo. Kahit mahirap magturo sa isang public school dahil bago pa lang pero kinakaya ko pa rin naman.
Ganun naman dapat, di ba? Naranasan ko ng matalo ng ilang beses sa buhay, malugmok at malunod sa sakit ng nararamdaman. Pero heto pa rin ako patuloy na bumabangon.
Alam kong mali na hindi ko ilabas lahat ng sama ng loob na nararamdaman at patuloy itong pagtakpan ng mga bagay na tingin ko ay makabubuti sa akin. Pero wala akong choice kundi maging matapang sa pagharap sa mga hamon sa buhay.
I know this is a positive toxicity. But no matter what it is, I am tired now thinking those bad things that happen to me.
Kahit tila hindi na yata mawawala sa akin ang traumang idinulot ng insedenteng 'yun pero heto ako patuloy pa rin na bumabangon. Hindi sumusuko kahit ano pa ang mangyari.
Nalaman ko ang motibo ng mga armadong lalaki. Wala naman daw silang planong puruhan si Jeff at ni wala sa planong idamay ako.
Pero kahit ano pa ang nangyari ay hindi na maibabalik sa dati ang lahat.
Sa awa ng Diyos ay nabuhay siya. Walang tinamong mas malalang internal injuries at tanging mga pasa at sugat lang sa katawan ang nangyari sa kanya.
Matapos ang insedenteng 'yun ay nag-usap pa kami isang beses.
" Inky..okay ka na ba?"
Napatango ako sa kanya. Kalalabas lang niya ng hospital at agad naman siyang pumunta ng bahay.
" I'm sorry Inky."
Napayuko ako at kahit gusto ko ng umiyak ng umiyak sa nangyayari pero walang mga lumabas na luha sa aking mga mata.
" No, ako nga dapat ang magsorry sa'yo. Dahil sa akin napahamak ka."
" Hindi mo naman 'yun kasalanan. Ako ang may atraso sa kanila. Nadamay ka pa."
Umiling ako sa kanya.
" Hindi Jeff. Dahil sa pagiging makasarili ko nangyari 'yun. Pero masyado ng maraming nangyari para magsisi pa. The damage has been done. Pero masaya akong okay ka na. Na ligtas ka."
Malungkot akong napatingin sa kanya.
Sinabi ko noon na kapag nabuhay lang siya ay titigil na ako sa pagmamahal sa kanya.
Pero traydor pa rin ang pusong ito na patuloy pa rin siyang pinapangarap.
" What I said last time.. I did not mean what I said."
Napatango ako sa kanya at ngumiti ng kaunti.
" No Jeff. Just don't take what you've said last time. Tama ka. Dapat siguro na kalimutan nating dalawa na naging magkaibigan tayo."
BINABASA MO ANG
YES, I LOVE YOU
Romance( CHANGE OF HEARTS: SEASON 5) Growing up together is not a big deal with Inky and Jeff. Para silang kambal na halos hindi mapaghiwalay sa lahat ng bagay. Always there for each other even in the ups and downs in life. They are the best of good frien...