"That Friend"
NP: Someone Like You (Piano Vocal) by David Nail 🎶🎶🎶
" Congratulations Inky."
" Thank you Jeff."
Nagyakapan kaming dalawa. Matapos 'yun ay inalalayan ko na siyang makababa sa kanyang bridal car.
Tinulungan ko rin siya sa kanyang mahabang gown.
" Ang ganda mo."
Bakas sa aking mga mata ang matinding pangungulila sa kanya. It's been years already since the last time I saw her. Umuwi lang ako para sa kasal niya.
Ako ang naging maid of honor niya.
" Alam mong, Bryle is so willing to take my place. Why me Inky?"
" Kasi wala na akong ibang maisip na fit sa role na 'yan kundi ikaw. Betina couldn't make it. She's in labor for her second baby. Tumiming pa talaga sa araw ng kasal ko ang soon na inaanak ko."
Natawa kami pareho sa sinabi niya.
Kahit nakatakip ng belo ang mukha niya pero naaninag ko pa rin kung gaano siya kaganda.
Nasa likod namin ang maraming press na naghihintay ng scoop sa kasal. It's a big wedding and everyone's talking about it.
Pero walang press na inallow na makapasok. Solemn ang event at hiningi rin ng couple na bigyan sila ng privacy.
"I'm happy for you Inky."
Niyakap ko ulit siya at nakitang maiiyak na naman siya.
" Ano ka ba! Wag ka ng umiyak. Masira pa make up mo. Hindi ako marunong mag retouch sa'yo. Bakit ba kasi hindi kinuha ni Tessa ang role na ito?"
" Oo nga eh. Natatakot siyang baka siya pa raw makasalo ng boquet. Hindi ko alam kung bakit ayaw niya ikasal!"
Napangiti na lang ako sa tinuran niya.
Ilang sandali pa ay bumukas na ang pinto ng simbahan. Nagsimula na ring maglakad si Inky.
" Tandaan mo. Wag kang umiyak masyado. Walang magreretouch talaga sa'yo."
Umurong naman ng konti ang luha niya at natawa sa sinabi ko.
Pinagmasdan ko siyang naglakad na patungo kay Nathan.
Halos lahat ng mga tao ay napaiyak habang pinagmamasdan siyang naglalakad sa aisle.
Nang magsimula ang seremonya ay tumabi ako ng upo kina Tessa at Bryle. Naka-angkla si Bryle mula sa kanyang asawa na Briton. Umiiyak.
" Tumigil ka nga bakla. Ang drama ha. "
" Heh! Bitter ka na naman! Mag-asawa ka na rin kaya!"
At hindi kompleto ang bardagulan nilang dalawa kung walang sabunutan na mangyayari sa huli.
" Shhh. Tumahimik nga kayo. Pinagtitinginan na kayo, oh."
Ako na ang nahihiya sa kanilang dalawa.
" Palibhasa ikaw maid of honor eh. Ang unfair talaga ni Inky."
Inignora ko na lang ang kadramahan ni Bryle at malungkot na medyo masayang nakatingin sa dalawang kinakasal.
Nang matapos ang seremonya ay masaya kaming pumapalakpak sa kanila.
Naluha na pala ako.
I never thought that the love I have for her is still here. Malungkot ako sa nangyari sa amin ni Inky pero okay na rin ito.
BINABASA MO ANG
YES, I LOVE YOU
Romance( CHANGE OF HEARTS: SEASON 5) Growing up together is not a big deal with Inky and Jeff. Para silang kambal na halos hindi mapaghiwalay sa lahat ng bagay. Always there for each other even in the ups and downs in life. They are the best of good frien...