40: Yngrid Marie Lucero

83 3 0
                                    

" Confuse Heart"

Nang kumalas siya sa akin ay gulat akong napatingala sa kanya. Pareho kaming namumula sa nangyari.

Napatitig ako sa kanya ng matagal. Hindi ako makapagsalita at tila walang gustong lumabas na boses sa bibig ko.

At tingin ko ganun din siya sa akin. Nakaawang pareho ang mga labi namin habang patuloy na nakatingin sa isa't isa.

What just happen was.. .I don't know why it happen.

Tila nag slow motion ang lahat at wala na akong ibang nakikita kundi siya lang. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Mabibingi yata ang buong mundo sa lakas ng tibok nito.

Napapitlag lang kami pareho nang biglang umilaw ang malaking fountain na nasa gilid namin.

Napalunok ako nang mas lalong mailawan ang mukha niya.

Ilang sandali pa ay bigla niya akong hinawakan sa kamay.

Napapitlag ako at halata na yata ang panginginig sa buo kong katawan.

Inakay niya ako pabalik sa kanyang kotse. Nagpatianud naman ako. Habang naglalakad ay para akong nakalutang sa ulap sa pakiramdam.

Nang nasa harap na kami ng kotse niya ay akala ko bubuksan niya ang front seat. Pero umikot lang siya papunta sa likod nito at parang may kinuha sa loob ng trunk.

Nakita ko siyang hawak ang isang paper bag.

Lumapit siya sa akin at napadilat naman ako sa biglang pag-angat ng aking mga paa.

Hinawakan niya ang bewang ko at binuhat paupo sa harap ng kanyang kotse.

Yumuko siya at tinanggal ang heels ko. Napalunok ako nang bigla siyang may kunin sa paper bag. Isang box na tingin ko yata ay medicine kit.

May kinuha siyang bandaid doon at nilagay ito sa likod ng aking paa na nasugatan mula sa heels.

Matapos gawin 'yun ay nakita ko pang may kinuha siyang tsinelas sa loob ng paper bag. Isinuot niya 'yun sa akin at saka tumayo sa harap ko.

" Okay lang naman kahit hindi ka magsuot ng heels. Ako ang mag-aadjust para sayo. Wag ka lang masaktan."

Shemay. Totoo ba itong naririnig ko sa kanya?

Tiningnan ko siya ng maigi. Alam kong napapalibutan kami ng nag-iilawang mga building sa paligid. Pero hindi ko alam na tila isa siyang bituin sa paningin ko ngayon. Kumikislap siya sa aking mga mata.

Para siyang isang maliit na liwanag sa buhay kong ito na naging sapat upang magkaroon ako ng pag-asa mula sa madilim na kahapon.

His eyes are dreamy like its close to give a tear. His lips are parting like it's about to say something, but his eyes are just staring at me . . .lovingly.

Tama ba ako sa nakikita ngayon? Anong ibig sabihin ng ginawa niya sa akin kanina? Bakit niya ako hinalikan na naman?

" Inky. . .I am so soryy from what my mother said to you."

Napalunok ulit ako at mahinang tumango sa kanya. Ano ba naman ito? Bakit nakakapepe yata ang mga nangyayari?

" But I am not even sorry for the kiss."

Napadilat ako sa narinig sa kanya.

Ha?

Mabilis akong napakurap at hindi ko na yata kakayanin ang lakas ng tibok ng puso ko.

" Inky. .pasensya ka na kung hindi kita mapagbibigyan sa pabor na hinihingi mo sa akin. Hindi ko kaya."

Saglit akong natigilan sa sinabi niya. Ha? Pero bakit? Nakita ko siyang malungkot na napayuko.

YES, I LOVE YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon