16: Yngrid Marie Lucero

48 4 0
                                    

" Offer"

Bumalik na ako sa dati kong upuan sa classroom. Betina asked me to do it. She feel sorry from what she did and asked me to return to our group. Maging ang makipagkaibigan ulit kay Jeff ay hiningi rin niya sa akin.

Lumayo siya sa grupo namin at feeling ko nagsimula na rin siyang mawala sa akin.

Naiintindihan ko na hindi ganun kadali ang lahat ng nangyari sa kanya. I often see her coming home late at palaging lasing. I tried to save her pero huli na talaga ang lahat.

Marami ang nagbago sa kanya. Parang hindi na siya ang Betina na nakilala ko. She become aloft and one day na surprise na lang ako na hindi siya rito sa Maynila mag-aaral sa kolehiyo. Sabi niya sa Cebu na siya mag-aaral ng college sa kursong mass communication.

Umiyak ako nang malaman iyon pero ngumiti lang siya ng malungkot sa akin. She assured me na tuwing bakasyon ay babalik siya rito para bisitahin ako. Kahit masakit sa loob na for the first time ay magkakahiwalay kami ng matagal at malayo pa sa isa't isa pero wala akong choice kundi ang tanggapin iyon.

Jeff really caused her so much pain. Kailangan niyang lumayo at makalimot. The pain really done serious damage with her. Wala na akong nagawa pa at pumayag na lang. Umaasang kapag napunta siya roon ay hindi na niya sisirain ang sarili.

Pero bago pa siya maka-alis ay mahigpit niyang ipinaalala sa akin ang naging pangako ko sa kanya. She told me to never break my promise to her. That I should never fall in love with Jeff. Hindi dapat ako umibig sa taong nanakit sa kanya.

Kahit nangangamba na baka hindi ko iyon matupad ay determinado akong tumango sa kanya. Matapos ang graduation ay bumyahe agad siya papuntang Cebu. Ni hindi na nga siya nagpahatid sa akin.

" Hoy Ikyang! Tulaley ka na naman diyan!" Nagulat ako sa biglang pagtulak sa akin ni Bryle. Nasa Graduation ball kami ngayon na ginanap dito sa malaking gym ng school.

Costume party ang tema ng ball kaya lahat ng mga grade 12 students ay nakabihis ayon sa gusto nila. Syempre magpapahuli ba naman ang barkada? Kaya naka-harry potter costume kaming apat. Si Jeff si Harry habang ako naman si Hermione. Si Bellatrix kay Tessa at Voldemort naman kay Bryle.

Inirapan ko ang baklang Voldemort at inis na lumayo sa kanya.

" Hayaan mo na Bryle, iniisip pa rin niya ngayon si Betina." Si Tessa habang hinahawakan ang kulot na buhok.

Nakita ko si Jeff na malungkot na nakatingin sa akin. Ngumiti ako ng kaunti sa kanya para hindi na siya mag-alala pa.

Simula nang umalis si Betina ay narealize ko rin ang pagiging unfair kay Jeff. Masyado akong naging selfish at inisip lang ang mararamdaman namin ni Betina. Hindi ko inisip na masakit din para kay Jeff ang maiwan katulad ng hindi niya gustong mangyari sa kanya ulit.

Eh ano ngayon kung kaibigan lang talaga ang kaya niyang ibigay sa akin? Bakit hindi nalang ako makontento dun? At saka may pinanghahawakan din akong pangako kay Betina. Hindi ko dapat sirain iyon.

" Maglaban na lang tayo, guys! Katulad noong dati!" Kaya ang nangyari naghabulan kaming apat palabas ng gym. Iwinawagayway namin ni Jeff ang mga hawak na wand.

" Avada Kedavra!" Sigaw ko sa baklang Voldemort.

Natawa silang lahat nang hindi ito tumalab sa kanya.

" Harry! Ngayon na!"

" Expelliarmus!" Sigaw ni Jeff at nag-akto pang naglupasay sila Tessa at Bryle.

" Mamatay ka ng baklang Voldemort ka!"

Nagkatawanan kaming lahat sa sinabi ko. Humihingal kaming napahiga sa malawak na field ng school. Pumikit ako sa sobrang pagod na nadarama.

YES, I LOVE YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon