" Thank You"
First thing that I feel the moment my eyes open is pain. Para akong kinakain ng matinding sakit sa aking tiyan partikular na sa kanang bahagi.
My lips is very dry and I want to drink lots of fluids. I ask for water but they never listen to me. Hindi nila ako binibigyan!
May isang doctor na chinicheck ang aking sugat mula sa operasyon at minsan mahinang pinipisil ang aking tiyan.
Shit! Ang sarap sumigaw at magalit sa ginawa niya pero alam ko ginagawa lang niya ang trabaho.
" Thank you Chester."
" Huwag kang mag-alala Nathan. She's okay now. Just a few weeks of rest, and she'll be good again."
Nang makalabas ang doctor ay naupo na sa aking tabi si Nathan.
" Inky..sabi ng doctor hindi ka muna pwedeng kumain at uminom ng tubig. Your wound is still fresh. Just hold on a little more, okay."
Hinaplos niya ang aking noo at ngumiti ng konti. I see concern in his eyes, but he's face is calm.
Tumango lang ako sa kanya dahil sa totoo lang ay sobrang nanghihina pa talaga ako.
Kanina namamanhid ang kalahati sa aking katawan pero ngayong naramdaman ko na nawawala na ang bisa ng anesthesia ay parang mamamatay na naman ako sa sakit. Walang epekto ang pain reliever at ramdam na ramdam ko ang sakit ng aking sugat.
Sabi nung isang lalaking nurse sa akin kanina na normal lang daw ito. Masakit nga raw madapa tayo so natural lang din na makaramdam ng sakit pagkatapos ng operasyon.
Nararamdaman ko ang sakit hindi lang sa hiwa sa aking tiyan kundi pati na rin sa pinutol na organ sa aking loob.
Pucha na appendix na 'yan. Muntik na akong mamatay!
"I called your parents and friends. They're on their way now."
Ilang sandali pa ay umiiyak na dumating sina nanay at tatay. Kahit nagulat man sila na si Nathan ang kasama ko pero malaki talaga ang ipinagpapasalamat nila sa kanya.
Alam nila matagal na kaming naghiwalay kaya nitong nakaraang taon hindi na sila nagtanong pa tungkol kay Nathan.
Lumipas ang isang oras ay dumating din ang mga barkada ko noong college maging sina Bryle at Tessa.
" Si Jeff wala pa ba?"
" Tinawagan ko na pero hindi pa rin sumasagot."
Sinubukan kong ignorahin ang sinabi ni Tessa at nag focus na lang kung paano hindi isipin ang sakit sa aking tiyan.
Nanghihina pa rin talaga ako. Kahit gusto ko sila kausapin lahat ay tila wala pa rin akong lakas na gawin 'yun. Kaya naman nagpahinga muna ako.
Gabi na nang magising ako. Medyo hindi ko na maramdaman ang sakit pero sa tuwing gagalaw ako ay mapapaismid na naman ako.
Inaalalayan ako ni Nathan na maupo. Private room itong kinuha niya kaya magara ang higaan ko.
" Kumusta ka na, Inky?"
" I'm okay." Medyo may lakas na rin ako magsalita.
Ilang sandali pa ay dumating ang nurse.
" Pwede po kayo maglakad-lakad ng konti mam para makautot kayo. Then if you lie down. You can lie on the left side. Kapag nakautot na po kayo ay pwede ka na kumain at uminom. Pero iyong light foods lang po."
Sinunod ko naman ang sinabi niya. Grabe, gutom na gutom na talaga ako.
" Asan ang parents ko?"
BINABASA MO ANG
YES, I LOVE YOU
Romance( CHANGE OF HEARTS: SEASON 5) Growing up together is not a big deal with Inky and Jeff. Para silang kambal na halos hindi mapaghiwalay sa lahat ng bagay. Always there for each other even in the ups and downs in life. They are the best of good frien...