13: Yngrid Marie Lucero

63 5 1
                                    

" The man in the room"

Nagising akong may naririnig na malakas na pagtipa sa keyboard ng computer. Mabilis akong napabangon nang mapansing ang dilim na pala!

Shit! Anong oras na?

Napatingin ako sa relo ko at nakitang alas otso na pala ng gabi!

Naiwan ko pa naman ang cellphone ko kanina sa classroom. Tumayo na ako dahil siguradong tatalakan na naman ako nito ni mother Teresa.

Pero sa gulat ko ay napasigaw ako sa nakita. Napalingon din siya mula sa ginagawang pagta-type sa computer.

Shit. Anong ginagawa niya rito? Halatang nagulat din siya.

" Anong ginagawa mo rito?!" Sabay pa kaming napatanong ni Nathan sa isa't isa.

Hindi ko na siya sinagot at nagtuloy-tuloy na ako sa pagpunta sa may pintuan ng room. Nakita ko doon mula sa ilaw sa computer ang malaking nakasulat na SSG room.

Hayst! Kung nagkataon at nagising ako ng maaga ay makikita nila Betina at Jeff na andito ako. Baka isipin nilang hinihintay ko sila.

Sinubukan kong buksan iyon pero hindi talaga mabuksan. Kinakabahan akong napalingon sa kanya.

" Tinawagan ko na ang mga guard para e-inform sila na nalock na naman ang pinto dito sa SSG room. Wag kang mag-alala papunta na sila rito."

Walang emosyon nitong saad sa akin at nagpatuloy na siya sa ginagawa kanina.

Lumapit ako sa kanya at tiningnan kung ano ang tinatype niya.

Mukhang reaction paper ito. Napaupo ako sa tabi ng computer niya.

" Bakit hindi ka pa umuuwi?" Hindi niya ako sinagot at inis naman akong napahalukipkip. Kahit kailan walang kwenta itong kausapin.

Ilang sandali pa ay parang ang tagal yata ng mga guard.

Nagulat naman ako sa narinig mula sa labas. Mukhang umuulan ng malakas.

Nako patay! Paano ako uuwi niyan?

Pero hindi pa talaga natapos ang kamalasang iyon nang biglang nagbrown-out at tuluyan nang dumilim sa loob ng room.

Narinig ko siyang napamura dahil mukhang hindi niya na-save ang ginawa.

Tsk. Akala ko ba matalino siya? Bakit hindi niya naisip na e-save muna ang ginagawa? Tsaka wala ba itong laptop sa kanila? Bakit dito ito gumagawa ng project?

Ang lakas ng kulog at kidlat at walang sinuman sa amin ang gustong magsalita. Napalunok ako at pinipigilan ko talaga ang takot kasi parang anumang sandali ay mapapahawak na ako sa kanya.

Pero tinatagan ko pa rin ang loob. Di ba, Inky? Nasa gipit ka man na sitwasyon ay huwag ka pa ring kakapit sa patalim. Tandaan mo yan.

Pero isa pang kidlat at malakas na kulog ay mabilis akong napayakap sa kanya.

Mabilis niya akong tinulak at inis na napalayo sa akin.

Walang hiya talaga ang lalaking ito! Imbes na matatakot na sana ako at manginig sa bawat kulog ay napalitan iyon ng matinding panginginig sa galit sa kanya. Parang gusto ko siyang sapakin dahil sa ginawa.

Nakakainis! Nakakainis talaga siya!

Isa na namang malakas na kulog ay huminga ako ng malalim. Relax lang Inky. Okay? Relax lang.

Pero shit na malagkit isang sunod-sunod na kulog ang nagpabalik ulit sa akin ng yakap sa kanya. Mahigpit ko siyang niyakap at mukhang nagulat din siya sa kulog at napakapit na rin sa akin.

YES, I LOVE YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon