" My Inky..my sweet innocent Inky"
Ilang araw na kaming hindi nagpapansinan ni Inky. Kahit kailan ang babaeng 'yun talaga napakatigas ng ulo. Napaka-impulsive.
Anong tingin niya sa mga lalaki? Santo at hindi kayang gumawa ng masama?
Hindi ko alam kung isinilang nga ba itong engot o sadyang napakaengot lang talaga niya na babae.
Ako pa ngayon ang sinungaling? Hindi ba niya alam na totoo lahat ng sinabi ko sa kanya na nakabuntis ang lalaking 'yun?
Matapos kaming ma-guidance ni Betina noon at nang papalabas na sana ako ng guidance office ay narinig ko mula sa guidance counselor ang gagawing pagpapa-expel kay Timmy at Lora. Nagulat ako nang marinig na nabuntis pala ni Timmy ang kaklase nitong si Lora.
Bago makalabas ay nasalubong ko pa silang dalawa. Umiiyak si Lora at nakita ko ring nakasunod ang kanilang mga parents.
Kahit gusto ko na lang hayaan si Inky sa ginagawa pero hindi ko pa rin maiwasang mag-alala sa kanya. Kinakabahan talaga ako sa lalaking iyon.
Kaya ngayon ay inis akong napatitig sa kanya na kilig na kilig sa ilalim ng puno ng mangga habang nakikipagharutan kay Timmy.
Napakalaking engot talaga ng babaeng ito! Napakuyom ako sa kamao at pinipigilan ang sarili na sugurin ang lalaking ito.
Sinundan ko silang dalawa mula sa sinehan hanggang sa restaurant kung saan sila kumain. Nagdesisyunan kong umalis na nang masigurong uuwi na sila.
Ano bang nangyayari sa akin? Baka praning lang siguro ako na may gawing masama ang lalaking iyon kay Inky.
Napangiti ako ng mapakla dito sa loob ng kotse ko. Akala ko hindi na ako maninibago kung mangyaring magkaroon ng boyfriend si Inky.
Pinagsabihan na rin ako ng ate Jennica na darating ang panahon na may manliligaw sa kanya. I shoud stop thinking that Inky will not become a woman.
Tama ang ate. Hindi na kami mga bata pa ni Inky. Pinagalitan nga ako nito nang minsan tanungin niya ako kung nagtatabi pa rin kami at sinabi ko sa kanya ang totoo.
Sinabi niya sa akin na dapat respetuin ko bilang babae si Inky. At mukhang ngayon ko lang na realize ang lahat ng pagkailang sa akin ni Inky sa tuwing nakikiusap ako sa kanyang magtabi kami.
Inky is different now. She may still my bubbly and cute Inky pero iba na siya ngayon. Dalaga na nga siya. Malayo na siya sa nakilala kong Inky noon na dugyot, maliit at kulot salot.
I should stop seeing her in that way. Inky is a woman now. The way she smiles to that man, I can't understand this sudden desire from me to evenly punch that guy's face.
Siguraduhin lang niyang hindi niya sasaktan si Inky. Kundi kakalimutan ko talagang desente akong tao. Wawasakin ko talaga ang mukha niya!
Huminga ako ng malalim at malungkot na napangiti. Who would have thought na ang dugyot na Inky noon ay magiging isang napakagandang babae ngayon.
All my life I see her in a short hair pero hindi ko akalain nang pahabain na niya ulit ang kanyang buhok ay mapapansin ko ang kanyang totoong ganda.
She looks stunning. She's beautiful and I guess I would be damn to say that she's not attractive. Kahit hindi siya katulad ng iba diyang babae na matangkad pero I'd rather see her in that height for it makes her more beautiful in that way. Kahit gumanda siya lalo pero alam ko siya pa rin ang Inky ko.
She is still my sweet innocent Inky na ang sarap pa rin asarin.
Pinaandar ko na ang sasakyan at nagsimula ng umalis. Sa condo na lang siguro ako hihingi ng tawad sa kanya. Hindi ko kayang tikisin pa siya. Kung ito lang ang magiging rason ng pagkasira ng aming pagkakaibigan ay lulunukin ko ang pride ko. Kahit ayaw ko sa Timmy na iyon pero alang-alang sa kasiyahan ni Inky ay magpaparaya ako.
BINABASA MO ANG
YES, I LOVE YOU
Romance( CHANGE OF HEARTS: SEASON 5) Growing up together is not a big deal with Inky and Jeff. Para silang kambal na halos hindi mapaghiwalay sa lahat ng bagay. Always there for each other even in the ups and downs in life. They are the best of good frien...