" Love or Frienship?"
Kung papipiliin ako sa friendship at love, sa totoo lang hindi ko alam anong pipiliin. Pero paano kung love ko ang friend ko? Ikakagalit ba ng universe na pareho kong pipiliin ang love at friendship?
Pero no kidding aside, malapit na nga kami gumraduate sa senior high pero heto ako hindi pa rin nawawala ang pag-ibig kay Jeff.
Ha? Paano ko nalaman na pag-ibig na itong nararamdaman ko? Ni hindi ko pa nga naranasan magkanobyo. So paano ko na-assume na pag-ibig na talaga ito?
" Besst! Sinong ka date mo ngayong valentines day?"
Oo nga pala. Isa sa mga hindi ko gusto na araw sa buhay na ito. Valentines day is a reminder to me of how alone I am. Pinapaalala lang nito na wala akong jowa.
" Wala eh!"
" Ha? Akala ko ba nagkakamabutihan na kayo ni Timmy?"
Tsk. Iyon nga akala ko eh. Kaya lumalala pa itong nararamdaman ko kay Jeff kasi hindi nag-work iyong sa amin ni Timmy. I mean napakarami naman palang babae ng lalaking iyon. Nabalitaan ko na lang na nabuntis nito ang isa sa mga naging ex nito.
Kaya ayun back to zero na naman ulit ang lovelife ko!
" Nakabuntis ang gago, Betina." Walang emosyon ko sa kanyang saad. Nasa classroom kami ngayon at vacant time. Nagbabasa ako ng English romance pocketbook. Medyo mahina kasi ako sa English at kailangan kong matuto ng mga sentences nito.
Pero may pinaka-naging rason talaga ako kung bakit gusto kong matuto sa English. Hindi ko makalimutan ang naging insedente noong grade 10 pa ako.
Nathan caught me cheating on him during our English quiz. Seatmate kasi kami nito at akala ko hindi niya ako mahuhuli sa pangongopya sa kanya. Pero lintek na lalaking iyon, akala ko palalagpasin lang niya ang nangyari. Nakalimutan kong sipsip student of the year pala siya kaya ayun sinumbong ako ng loko sa English teacher namin!
Nakakagigil talaga maalala ang lahat ng iyon. Puro bad experiences lang ang nangyayari sa akin sa tuwing kasama siya.
Na sanction ako dahil sa nangyari. Bilang parusa ay pinaglinis na naman ako ng CR but this time sa buong campus na. Hindi na rin ako natulungan ni Betina kasi busy siya sa pagpapapansin kay Jeff. Si Tessa at Bryle naman ay nagmamadaling umuwi at kung ano na ang mga alibi na sinabi.
Pero napangiti naman ako nang maalala na pinuntahan pala ako ni Jeff noon habang naglilinis sa CR. Kinikilig akong maalala na pumunta siya para tulungan ako. Maaasahan mo talaga siya sa lahat ng bagay.
Pero napawi naman ang kilig ko nang maalala na bigla rin sumunod si Betina noon at tinulungan si Jeff. Grabe, kung dati noong mga bata pa kami ay hindi niya ako iniiwan at kaya niyang maligo sa tubig ng CR makasama at makasabay lang ako sa pag-uwi.
Pero ngayon, ano? Si Jeff na ang dahilan ng pagtulong niya sa akin.
" Ha? Totoo ba yun? Akala ko chismis lang yun?"
" Hindi yun chismis. Si Lora ang nabuntis niya. Iyong traydor mong friend. Hindi na pumapasok si Lora. Alam mo ba, yun?"
Wala talaga siyang alam. Tsk. Palibahasa puro ka nalang kasi Jeff.
" Eh di, maghanap ka ng ibang ka-date ngayong Valentines day!"
" Sino naman? Saka ayaw ko sa mga date na iyan. Kinakabahan ako."
" Ano ka ba! Kailan mo pa susubukan? Saka na kapag matanda ka na?"
Hindi ko siya sinagot at nagpatuloy lang ako sa pagbabasa.
BINABASA MO ANG
YES, I LOVE YOU
Romansa( CHANGE OF HEARTS: SEASON 5) Growing up together is not a big deal with Inky and Jeff. Para silang kambal na halos hindi mapaghiwalay sa lahat ng bagay. Always there for each other even in the ups and downs in life. They are the best of good frien...