42: Yngrid Marie Lucero

42 2 0
                                    

" First Love"

"Teka! Si Betina ba' yun?"

Mabilis akong nag-angat ng tingin at tiningnan kung sino ang tinutukoy ni Bryle. Mabilis akong napatayo at nakaawang ang labi habang tinitingnan ang isang babae na masayang nakikipag-usap sa iba pa naming ka-batch na nasa kabilang table hindi kalayuan sa amin.

She saw us and her stares darted to Jeff. Sumeryoso siya ng tingin sa amin at ilang sandali pa ay masayang lumapit sa table namin.

Simula nang umalis siya ay hindi na talaga siya bumalik. Her parents also transferred to Cebu when we were on our second year college. Tinatry ko siyang kontakin sa messenger pero mukhang may new account na siya sa facebook.

Hindi na rin kasi siya nag-uupdate sa dati niyang account. I tried to ask for her number from her parents pero ganun pa rin, hindi nito sinasagot ang tawag ko. Minsan na disconnect na lang ang number na 'yun.

"Betina! Ikaw nga!"

Tumayo kaming lahat at sinalubong siya. Matapos ang pakikipagbeso niya sa amin ay saglit pa siyang natigilan nang kay Jeff na.

Pero she just went on and still give Jeff a kiss on his cheeks. It is just a small peck, but I feel the intensity of it. He also kiss Nathan in the cheeks.

Nang dumako ang tingin niya sa akin ay kinakabahan akong napalunok. Galit kaya siya sa akin? Napapaluha akong tumingin sa kanya.

But she smiled fully and hugged me. Nagulat talaga ako pero ang higpit ng pagkakayakap niya sa akin.

"I miss you, Inky."

Napapikit ako sa sayang naramdaman. Hindi ko alam kung bakit may isang malaking bato ang nawala sa aking puso nang marinig 'yun.

"I miss you also, Bebe. Sobra."

Nagyakapan at nag-iyakan kaming dalawa. Natawa na rin kami sa ka-OAhan namin.

Masaya siyang sumalo sa amin. Pinausog niya si Jeff at tumabi sa akin.

Nagkwentuhan kaming lahat at tila ang mahabang hindi pagkikita ay naibsan nang dahil sa alumni homecoming na ito.

Iba pa rin talaga ang saya kapag nagkita-kita na kayo ng mga high school friends mo.

"Talaga?! Oh my gosh, Inky! Paano mo napasagot ang isang Nathaniel Dane Sandejas?! Hindi ko alam na kayo pala ang endgame!"

Napalabi ako sa sinabi ni Betina. Hilaw akong napatingin kay Nathan na ngayon ay masaya sa pagkagulat ni Betina.

"Ito naman si Betina! Parang si Inky pa talaga ang nanligaw!" Si Tessa habang nakatukod ang siko sa balikat ni Jeff. Nakahawak ang kaliwang kamay niya sa kanyang ulo. Mukhang medyo lasing na rin kasi ito.

Betina ang Tessa are both wearing a black satin slip dress. Pareho kasi silang may balingkinitang katawan. Pareho ring matangkad. Maputi lang si Betina at morena naman si Tessa. Medyo wavy din ang makapal at mahabang buhok ni Tessa. Habang ang dating tuwid at mahabang buhok ni Betina ay hanggang balikat na lang ngayon.

"Aba! Ano malay mo Tessa! Knowing Nathan na napaka-perfect na! Baka tinakot ni Inky or binlack mail!"

At umugong ang malalakas na tawanan sa aming mesa. Napangiwi ako sa sinabi niyang ako ang nang-black mail. Ano ba! Hindi kaya baliktad? Ako yata ang napasubo sa sitwasyon namin ngayon.

Sumeryoso naman ako ng tingin at inis na napatitig kay Bryle. Kahit kailan, hanggang ngayon inaasar pa rin ako nito.

"Sabi na nga ba! At na scam mo lang si Nathan! Uy Nathan, hindi naman totoong babae 'yan si Inky!" At dinagdagan pa talaga ni Jeff! Naging maingay na naman ulit dahil sa halakhakan nila.

YES, I LOVE YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon