31: Yngrid Marie Lucero

64 4 0
                                    

"My superman"

Isang malakas na buntong hininga ang nagpatigil sa akin sa kakaiyak. Napaangat ako ng tingin kung sino 'yun at nakita ko siyang nakapamaywang akong tinitingnan habang humihingal galing sa pagtakbo.

"Bakit ka tumakbo ng ganun ka bilis para habulin ang sasakyan niya?! Ha?! Bobo ka talaga!"

Napaiyak ako ulit mula sa sinabi niya. Shit ka Nathan. Kita na ngang umiiyak na ako tapos tatawagin pa akong bobo!

" Paano kung nasagasaan ka kanina ha?! Paano na lang!"

" Eh di mabuti nang mamatay na ako!"

Nakita ko siyang inis na napapikit at lumapit sa akin. Hinila niya ang kamay ko at inakay patayo pero hindi ako tumalima. Nanatili lang ako sa kakaupo.

" Isa! Tumayo ka na diyan! Ano ba!"

" Bitawan mo nga ako! Hayaan mo nga ako rito! Umalis ka na!"

" Oinky ano ba!"

" Sabi ng wag mo ako tawaging Oinky eh!"

" Oinky halika na!"

Inis kong hinablot sa kanya ang kamay at tinakip iyon sa aking mukha. Humagulhol ako ng malakas.

" Inky ano ba. Tinitingnan na tayo ng mga tao oh."

Hindi pa rin ako tumalima at nanatili lang na umiiyak. Parang sasabog ang puso ko sa sobrang sakit. Hindi ko yata kakayanin.

" Siguro hiniwalayan siya ng boyfriend niya. Hindi na naawa ang lalaking 'yan."

" Oo nga. Kawawa 'yung babae." Naririnig kong sabi ng mga tao sa paligid namin.

" Inky..halika na." Nagtitimping saad ni Nathan sa akin.

" Ayoko. Umalis ka na. Iwan mo na ako."

" Inky. Pinagtitinginan na tayo ng lahat."

" Pakialam ko! Wala naman silang alam!"

Ilang minuto pa akong umiyak ng umiyak at hindi inalintana ang mga bulungan sa paligid ko.

Ano ang gagawin ko? Hindi ko inasahan ang pagdating ni Jeff at biglang sabihin sa akin na kinamumuhian niya ako sa nagawa.

Marami pa ang pumasok na kung anong mga tanong sa isipan ko na siyang nagpalala lang sa nararamdaman ko.

Ilang sandali pa ay naramdaman ko na lang na parang umaangat yata ako sa lupa. Napadilat ako at nakita si Nathan na seryoso akong binubuhat. Parang nag-slow motion ang lahat at napako ang tingin ko sa mukha niya.

Napasinghap ang lahat ng tao habang tulala akong nakatitig sa kanya.

" Wow! Ang gwapo ng guy! Sweet naman pala! Para siyang si super man."

" Oo nga! Ang swerte ng girl!" Kinikilig pa ang mga tsismosang ito!

Napalunok naman ako at biglang napahawak sa kanyang damit.

" Nathan.."

" Tumahimik ka. Isa pang iyak ay bibitawan kita."

Napangiwi naman ako.

Tsk. Okay na sana eh. Hindi ko maintindihan kung bakit ang off minsan nito.

" Ibaba mo ako." Seryoso kong utos sa kanya. Pero ang loko para lang walang narinig sa akin.

" Nathan, ano ba." Matigas kong bulong sa kanya.

" Tumahimik ka diyan."

Aba. Kahit kailan ang suplado talaga nito!

YES, I LOVE YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon