" Shit. Mahal ko na yata."
" Are you okay?"
Napangiti siyang napatingin sa akin.
" Wow. English 'yun ah."
Loko talaga ito. Nag-aalala na nga ako sa kanya ay aasarin pa ako.
Katatapos lang ng pagkakatawag ng mga parents nila ni Betina sa guidance office. Nasa botanical garden kami ngayon ng school. Alas singko na ng hapon at hindi pa ako umuuwi kasi may pinagawa pa si nanay sa akin kanina. Si Betina naman ay nauna na at mukhang matamlay pa rin ito sa nangyari.
Nasa likod lang kasi ng botanical garden ang room ng nanay kaya mula sa bintana ay nakita ko siya ritong tahimik na nakaupo. Pinuntahan ko siya agad upang malaman ang kalagayan niya.
" Loko ka! Nagtatanong ako ng maayos!" Nakahalukipkip kong turan sa kanya.
Natatawa siyang kinuha ang gitara niyang dala.
By the way aside sa campus heartthrob ay kompleto rekados din ito. Hindi lang nito nasalo lahat ng kagwapuhan at katalinuhan kundi talented din ito. Ano ba. Masyadong pinagpala ha.
Nagtipa siya ng kaunting tugtugin pero agad naman iyong nawala sa tono. Mukhang hindi talaga ito okay. Tumabi ako sa kanya ng upo at inakbayan siya.
" Okay lang yan bestfriend! Makakaahon din tayo sa kahirapan!"
Natawa siya sa sinabi ko.
" Ikaw talaga kung ano-ano lumalabas sa bibig mo."
Binaba na niya ang hawak na gitara at pumitas ng bulaklak.
" Hoy. Ang laki ng nakasulat oh. Don't pick flowers! Nako baka yan na naman ang maging rason na maguidance ka ulit!"
Ngumisi siya ng kaunti at nilagay ang bulaklak sa tenga ko. Natigilan naman ako.
" Bakit? Ipagkakalat mo rin ba itong ginawa ko?"
Hindi ko alam kung bakit nagslow motion nalang bigla ang lahat. Napalunok ako at napatitig sa maamo niyang mukha na ngayo'y taimtim din na nakatingin sa akin.
Shit! Tumahimik kang puso ka. Huminahon ka.
Napalabi ako at unti-unting nag-iwas ng tingin sa kanya. Shit! Ang awkward nito ah.
Tumikhim ako upang mabasag ang nakakabinging katahimikan na namumutawi sa pagitan namin ngayon.
Kinuha ko ang kulay violet na bulaklak dito sa aking tenga. Hindi ko alam kung anong uring bulaklak ito. Siguro Lilac o ano ba. Baka Lilac nga 'to.
" Okay ka lang ba talaga?"
" Oo naman! Ako pa! Si Jefferson Tuazon?"
Napataas ang kilay na tiningnan ko siya. Ang yabang pakinggan ah. Tumayo na ako at hinila siya palabas ng garden.
" Halika na. Sa bahay ka na maghapunan. Magluluto ang nanay ng kare-kare. Paborito mo di ba yun?" Umaliwalas ang mukha niya sa sinabi ko.
Kaya ng gabing iyon ay doon na siya naghapunan sa bahay. Gusto ko sana tawagin si Betina mula sa kabilang bahay kaya lang hindi ako sigurado kung okay na sila.
Pero minsan naisip ko na parang ayaw kong sumama si Betina sa amin ngayon. Alam kong mukhang selfish tingnan ng ginagawa ko pero ewan ko ba. Parang gusto ko lang solohin si Jeff sa mga oras na ito.
Nang makaalis na siya ay naguluhan na talaga ako sa nararamdaman.
Ano bang nangyayari sa akin?
Ilang sandali pa ay may natanggap akong text message dito sa keypad kong cellphone. Nagpabili na ako kina nanay ng cellphone kasi narealize kong kailangan ko ito sa panlalandi este sa pagkontak sa mga friends ko.
BINABASA MO ANG
YES, I LOVE YOU
Romance( CHANGE OF HEARTS: SEASON 5) Growing up together is not a big deal with Inky and Jeff. Para silang kambal na halos hindi mapaghiwalay sa lahat ng bagay. Always there for each other even in the ups and downs in life. They are the best of good frien...