" Oinky"
Nasa gym ako ng dati kong skul dito sa Pasig National High School. Nagpalinga-linga ako at hinanap ang naglalaro ng Sepak Takraw. Nang mamataan sila sa dulo ng gym malapit sa Cr ay agad akong naglakad patungo sa kanila.
Maraming mga estudyante ang nagkumpulan malapit sa maliit nilang net. Nakita ko ang dalawang regu team na naglalaban.
Nasa 3rd set game na pala iyon at tingin ko ilang sandali na lang ay matatapos na ang laro. Agad na hinanap ng aking mga mata kung nasaan na siya.
Nag time out muna ang isang team at mukhang nag-substitution. Nakita ko siyang naliligo sa pawis habang tumatakbo palapit sa net. Pumwesto na siya. Pinasadahan ng isa niyang kamay ang basang buhok. Hindi ko alam kung bakit napapanganga akong tinitingnan siya habang ginagalaw ang ulo upang matalsik ang ilang pawis sa kanyang buhok.
Napakagat ako sa aking labi habang unti-unting nagsoslow motion ang lahat ng nangyayari. Kahit na pumusisyon na siya at nagspike ng malakas patungo sa kalabang team ay parang nananaginip pa rin akong nakatingin sa kanya.
Wala akong alam masyado sa larong sepak takraw pero hayaan niyo na. Siya lang naman ang ipinunta ko rito. Ang galing niya pala. Napapasigaw ang lahat ng tao sa bawat talon niya lalo na sa tuwing sumisipa siya.
Nagising lang ako mula sa malalim na pagkakatitig sa kanya nang biglang tumama ang takraw ball sa aking noo.
Nabitawan ko iyong hawak na paper bag at napahawak sa noong tinamaan. Shit. Ang sakit.
Nakita ko ang mukha ni Nathan na nag-aalalang napatakbo papunta sa akin.
" Okay ka lang ba, Inky?!"
Nang umangat ako ng tingin sa kanya ay parang may nakita yata akong napakaraming stars.
" Inky?!" Hindi ko alam pero unti-unti nang nandilim ang lahat sa akin.
Paggising ko ay wala na ako sa malaki naming gym. Mukha niya ang agad kong nakita. Napakalapit ng mukha niya sa akin at tingin ko kaunti na lang ay magkakahalikan na talaga kami.
Mabilis siyang napaatras at hindi ko alam na posible pala sa isang moreno ang mamula ang mukha.
Bakit siya nagblush?
Napayuko siya habang hawak ang isang cold compress. Parang nahihiya pa yata siya.
Nakita kong nasa clinic pala kami ng school. May naramdaman akong sakit dito sa bandang noo ko. Hinawakan ko ito at nakapa ang malaking bukol.
Mabilis akong napabangon at agad na pumunta sa salamin ng clinic na ito. Napadilat ako nang makitang ang panget ng hitsura ko!
" Kasalanan mo ito! Kung hindi dahil sa'yo hindi ako matatamaan ng bola!"
" Sino ba maysabi sa'yong puntahan mo ako sa gym at manood ng practice game ko?"
Inis ko siyang hinarap. Nakita ko ang dalang paper bag kanina. Mabilis ko itong kinuha at malakas na tinapon sa kanya. Nasalo naman niya yun kaagad.
" Salamat pala sa mga notes mo!"
Lalabas na sana ako ng clinic nang maramdamang parang umikot na naman ang paningin ko. Nakita ko siyang tumayo agad at dinaluhan ako.
" Magpahinga ka muna." Sabay alalay sa akin na maupo sa hinigaan ko kanina. Binigay niya sa akin ang cold compress at nilagay ko naman ito sa noo ko.
" Nakapasa ka ba sa exam mo?" Kumuha siya ng silya at umupo sa tapat ko.
Hindi ko siya sinagot bagkus tumahimik lang talaga ako. Di ba, ganito rin naman ang palagi niyang ginagawa sa akin? Ang hindi ako sagutin kapag nagtatanong ako.
BINABASA MO ANG
YES, I LOVE YOU
Romance( CHANGE OF HEARTS: SEASON 5) Growing up together is not a big deal with Inky and Jeff. Para silang kambal na halos hindi mapaghiwalay sa lahat ng bagay. Always there for each other even in the ups and downs in life. They are the best of good frien...