35: Yngrid Marie Lucero

48 3 0
                                    

" Lilac"

" Anong ginagawa mo rito?!" Nagulat talaga ako sa nakita pagpasok sa loob ng aking kwarto.

Kakagaling ko lang sa dinaluhan na seminar sa aming school. Magbubukas na naman ulit ang klase. Nag- INSET muna kaming mga guro.

Hindi na niya ako nasundo kasi maaga naman natapos ito. At bakit siya andito sa kwarto ko? Paano siya nakapasok dito?

" Oh, Oinky! Andyan ka na pala."

Inis akong pumasok ng kwarto at..

Shit! Anong ginagawa niya sa mga gamit ko?!

Nasa kama ko kasi siya at nakadapa habang pinakikialaman ang mga nakatago kong tula para kay Jeff.

" Anong ginagawa mo, ha?! Lintek.." Mabilis kong pinagkukuha ang mga papel na nasa kamay niya. Ibinalik ko kaagad ang mga ito sa maliit na karton.

" Nathan! Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo, ha?!"

Bumangon na siya at tumabi sa akin at makulit akong nginitian.

" Sorry. Pinapasok kasi ako ni mother Teresa rito. Sabi niya dito ko nalang daw kita hintayin."

Napapikit naman ako sa narinig sa kanya. Sigurado ba siya?! Sinabi talaga 'yun ni nanay?!

" Teka, paano? Bakit? Ha? Anong ginagawa mo rito?" Hindi ko talaga alam anong gagawin. Bakit ba siya andito?!

" Susunduin sana kita sa school pero sabi ng mga co-teachers mo nakauwi ka na. Tinatawagan kita tapos hindi mo naman sinasagot. Saan ka ba galing?"

Natigilan naman ako. Sa totoo lang galing ako sa isang publishing company. Sinubukan kong ipasa ang mga naisulat kong kwento sa Wattpad pero na reject lang ako. Hindi raw maganda 'yung kwento ko. Napaka-jologs daw.

Nakakainis naman at nakakapanghina ng loob. Pero ano sila. Hindi talaga ako susuko. Magsusulat pa rin ako kahit walang magbasa ng mga isinulat ko! Bahala sila!

" Oh mukhang busangot na naman 'yang mukha mo. May nangyari bang masama sa'yo?"

" Wala! Galing ako ng mall. Bumili lang ako ng ballpen. At saka, hindi mo pa sinasagot ang tanong ko. Anong ginagawa mo rito sa bahay? Wala ka bang pasok? Alas tres pa lang ng hapon ah!"

Nasa bangko pa rin siya nagtatrabaho ngayon pero na-promote na siya. Bank manager na siya sa BDO.

" Ah yun ba. Nag-halfday lang kasi ako. May pupuntahan tayo."

Tumayo na siya at hinila na ako palabas ng kwarto.

" Teka, teka lang! Nagkakilala na pala kayo ni nanay?"

" Oh, Ikyang! Andito ka na pala. Magmeryenda muna kayo rito ng boyfriend mong si Nathan."

Ha? Sinabi niya sa pamilya ko na boyfriend ko siya?! Shit! Alam na nila!

Pinandilatan ko si Nathan. Wala sa usapan na pati pamilya ko madadamay sa pagpapanggap naming ito.

" Sa susunod na lang po tita. Maraming salamat po talaga."

Bago lumabas ng bahay si Nathan ay nagmano pa siya sa nanay ko. Halatang tuwang tuwa ang nanay ko sa kanya.

" Oh, hindi ka ba magbibihis muna, Inky? Nakakahiya sa boyfriend mo kung naka-uniform ka pa rin." Hilaw lang akong ngumiti sa kanila at pumasok na ulit ng kwarto para magbihis.

Hindi ko alam paano na ito lulusutan ngayon. Masyado nang maraming nakakaalam sa pekeng relasyon namin ni Nathan. Paano kung masanay ang parents ko rito?

YES, I LOVE YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon