14: Yngrid Marie Lucero

55 4 0
                                    

" Review Notes"

"Pabili kami ng stick-o Inky!" Napalingon ako kung sino iyon. Supposed to be Phillipine Government and Constitution dapat ang klase namin. Pero hindi namin maintidihan kung bakit hanggang ngayon hindi pa dumadating ang teacher namin.

Nakita ko si Bryle kasama si Tessa. Sa totoo lang aside kay Jeff ay sila iyong mas nagtaka kung bakit bigla akong lumayo sa barkada.

" Ilan?" Sumasideline kasi ako ng pagtitinda ng kung ano-ano dito sa school. Gusto ko kasi makaipon para makabili ng mas mamahaling cellphone. Iyong touch screen sana para maranasan ko naman ang pa-swipe-swipe na lang.

" Sampo. Tig-lilima kami." Kumuha na ako at binigay iyon sa kanila.

" Hoy! Inky! Ano bang nangyayari sa'yo? Napuruhan ka ba sa lagnat noong nakaraan kaya nakalimutan mong may mga barkada ka?" Tanong sa akin ni Tessa.

Hilaw ko silang nginitian at tumalikod na sa kanila. Alam kong mali na pati sila ay idamay ko sa hindi pagpansin kay Jeff. Pero kung hindi ako bubuwag sa barkada ay magpapatuloy lang itong nararamdaman ko kay Jeff at masasaktan lang din ng tuluyan si Betina.

Bahala na kung pati silang dalawa ay magalit sa akin. May matinding rason naman ako kaya ko ito ginagawa sa kanila.

Ilang araw ang lumipas ay abala na ang mga kaklase ko sa pagtetake ng entrance exam para sa papasukang eskwelahan sa college. Gusto ko sana mag take ng UPCAT sa UP Diliman para sa kursong Bachelor of Arts in Creative Writing.

Pero mukhang malabo akong makapasa doon. Kaya kahit nag-aalangan ay susundin ko na lang ang gusto ng mga magulang ko. Ang kumuha ng kursong education sa PNU (Philippine Normal University- Manila Campus) kung saan doon din sila nagtapos.

Kinakabahan ako kasi nextweek na gaganapin ang PNUAT at heto ako hindi pa nakapagreview. Malilintekan talaga ako nito kay mother Teresa kapag hindi ako nakapasa.

Isang buwan na lang ay gagaraduate na kami sa Senior High. Nakakatakot ang panibagong kabanata na mangyayari sa aming buhay. Curious ako kung anong mangyayari sa akin kapag college na ako.

Mukhang hindi na darating iyong teacher namin at tingin ko dapat magsimula na ako ngayong mag-organize ng review notes para sa gaganapin na entrance exam next week.

Napatingin ako sa katabing si Nathan na abala yata sa pagsusulat. Hirap talaga kapag matalino. Palagi na lang may ginagawa.

" Gusto mong bumili ng stick-o Nathan?"

Hindi siya nag-angat ng tingin at parang wala lang narinig sa akin. Tsk. Kahit kailan napakawalang kwenta nito kausapin.

Napangiwi na ako at napatingin sa kung ano ang sinusulat niya. Napakunot ang noo ko kasi mukhang may pini-fill upan siya na mga forms.

Medyo lumapit iyong mukha ko sa papel niya para matingnan ng maigi kung ano talaga iyong pinagkakaabalahan niya.

Nag-angat siya ng tingin at napatitig sa akin. Napalunok ako nang marealize na ang lapit na pala ng mukha niya sa akin.

Mabilis akong napaatras at tumuwid ng upo. Parang namula yata ako.

" Anong kailangan mo?" As usual iritado na naman ang tono ng kanyang pagsasalita.

" Ha? Ah..wala. S-sege m-magpatuloy ka lang diyan sa pagsusulat!" Shit. Mautal ba naman!?

Tumingin ulit ako sa kanya at muntik ko ng matutop ang hininga nang makita kung gaano siya ka seryoso sa pagkatitig sa akin. Napalunok ako.

" Ano ka ba! Galit agad?! Para gusto ko lang malaman kung ano iyang sinusulat mo."

Nakita kong medyo huminahon naman ang kanyang mukha sa narinig sa akin.

YES, I LOVE YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon