"Consequences"
Isang taon na ang nakalilipas simula ng gawin ko ang desisyon na iyon. Nakagraduate na ako ng college at heto nga naghahanda na para sa board exam this September.
Pero hindi ko akalain na ito ang magiging epekto ng lahat. Dahil sa sinabi ko kay tita Dorothy ang planong pagtatanan ni Jeff kay Abbygail ay gumawa ng paraan ang mommy niya upang hindi matuloy iyon.
Hindi ko alam anong ginawa ng mommy ni Jeff. Hindi ko alam kung paano niya hindi napasipot si Jeff sa terminal papuntang Baguio. Kahit nakokonsensya ako kay Abbygail dahil ako ang dahilan kung bakit nangyari 'yun pero wala akong pinagsisihan.
Kahit bigyan ulit ako ng pagkakataong makabalik sa panahong iyon ay gagawin ko pa rin ang mga nagawa ko.
Dahil sa nangyari ay na-depress si Jeff. Kahit masakit na makita ang naging epekto sa kanya ng nangyari pero mas nanaisin ko pa rin ito kesa makita siyang kasama ang babaeng 'yun.
Oo alam ko napakaselfish ng nagawa ko. Oo alam ko hindi tama na gawin ko 'yun.
Pero sa ngalan ng pag-ibig, may tama ba o mali? Kung alam mong nagmahal ka lang naman.
Bawat isa ay may kanya-kanyang rason kung bakit nakakagawa tayo ng mga makasariling desisyon sa buhay.
If what I did was wrong, and it's a mistake to selfishly love him, but I know he is my best mistake.
Ilang linggo ang lumipas ay umalis si Jeff papuntang America upang doon na tapusin ang pag-aaral. Hindi ko alam kung ano ang ginawa ng mommy niya upang malugmok siya ng ganun at kayaning hindi makasama si Abbygail. Hindi ko alam kung bakit parang galit na galit siya kay Abbygail.
Pero kahit na nalayo siya sa akin pero panatag ang loob kong hindi siya napunta kay Abbygail. Selfish man tingnan pero wala na akong pakialam pa.
" Magconcentrate ka nga diyan sa pagrereview! Hindi 'yung tulala ka na naman!" Inis akong napalingon kay Nathan na ngayon ay andito sa room ko.
Kasaluyan kasi akong nagtuturo ngayon sa isang private school dito sa Pasig. Isa itong Christian school at kahit maliit lang ang sweldo kada buwan ay at least pang-experience na rin na magagamit ko sa pangangaply sa Deped kapag nakapasa na.
Tapos na ang klase ko at nakasanayan ko na rin na tuwing hapon ay pumupunta siya rito upang tulungan ako sa pagrereview.
Accountancy ang natapos niya na kurso at naghihintay na lang siya ngayon sa result ng kanyang board exam. For sure sa talino ba naman niya ay makakapasa talaga siya. Gumraduate siya bilang Magna Cum laude kaya ang bilis niyang nakapasok sa isang private bank. Nagtatrabaho na siya ngayon sa BDO bilang isang teller.
" Ang hirap naman kasi ng mga questions na prinepare mo!"
Sa totoo lang hindi birong magreview sa sitwasyon ko ngayon. Tuwing weekdays ay nagtuturo ako sa mga bata at tuwing weekends naman ay pumupunta ako sa PNU para umattend ng review. Whole day pa ang review at minsan kahit gusto ko umabsent pero pinapagalitan ako ni mother Teresa. Kesyo hindi ako pwedeng magskip ng session sa review.
" Ganyan talaga. Mas mahirap pa yan sa board exam."
Nakakainis naman ang lalaking ito. Pinipressure na nga ako ng parents ko, ng school ko pati ba naman siya ay tatakutin din ako?
" Tapos ko na checkan itong 150 items test mo sa general education. Ano ka ba 30 lang ang score mo! Paulit-ulit na ito ah!"
Napapikit ako ng mariin at pinipigilan ang sarili na huwag ma stress ng masyado sa kanyang mga sinabi.
![](https://img.wattpad.com/cover/254084354-288-k381602.jpg)
BINABASA MO ANG
YES, I LOVE YOU
Romance( CHANGE OF HEARTS: SEASON 5) Growing up together is not a big deal with Inky and Jeff. Para silang kambal na halos hindi mapaghiwalay sa lahat ng bagay. Always there for each other even in the ups and downs in life. They are the best of good frien...