Chapter 2: Betrayed
"Nagsinungaling ka Evans, Ang sabi nang kaklase mo ay palagi mo raw kasama ang babaeng yun at hindi niya alam kung ano ano mo siya but she said na malapit ang puso mo sa babaeng yun"
Babaeng yun.
Babaeng yun. Wala ba siyang pangalan?
3 days after I found my self in the police station AGAIN.
"Wait what?Sinabi niya yun?baka naman maling Julia ang natanong niyo" Natatawang sabi ko kasabay nun ang pag seryoso nang mukha ni Jhonny bravo/Velasquez.
"Simula ngayon babantayan na namin ang mga kilos mo Evans, may magbabantay na rin sayong mga police" Bahagya akong nakahinga nang maluwag akala ko ikukulong nila ako.
Pero... Si Julia.
"Chief sigurado ho ka—
"Sir Velasquez may patay raw na natagpuan sa Sampaguita street sa may skwelahan!" Mula sa labas ay may biglang pumasok na police. Si Velasco.
Agad tumayo ang lalake at tinignan pa ako nang seryoso, inirapan ko lang siya.
Iniwan nila ako sa police station, mukhang seryoso ang kaso nila kaya hindi nila ako napansin kaya umalis nalang ako doon.
Deretso uwi na ako dahil ala sinco naman na. Naglalakad lang ako nang mamataan ko ang isang babaeng umiiyak.
Bigla akong kinilabutan sa takot nang makita ko yung babae! Anong gagawin ko?!
Agad kong kinapa ang cellphone ko at tinawagan si Chief Velasquez.
"Ano nanaman Evans? May kaso akong inaayos ngayon!" Inis nanaman siya. Pinatayan ako!
Tinawagan ko si Sir Vescinzo kaso hindi ako sinasagot!
Hindi ko na alam kung anong gagawin ko, baka ako ang patayin nito. But she look harmless.
Inangat niya ang tingin niya dahilan para makita niya ako. Iba na ang damit niya ngayon.
Lumapit siya sa akin dahilan para mapa atras ako.
"Natatakot ka rin sa akin?Wag kang matakot! Hindi kita sasaktan" Bigla siyang huminahon at para akong kinikilatis sa mga tingin niya.
"Hindi ka sasaktan ni Madielaine pero mag ingat ka kay Monica kasi nananakit siya" Bigla akong nakaramdam nang takot nang hawakan niya ako. Kunti nalang at maiiyak na ako.Tatakbo ba ako?sisigaw?
"S-sino si Madielaine?t-tsaka si Monica?" I still manage to ask despite of my trembling situation.
"Ako. Si Monica demonyo yun" Napa iling iling siya at tumingin ulit sa akin.
"Hindi mo kukunin sa akin ang anak ko diba?Hindi ka kagaya nila" Napayuko siya at biglang nalungkot.
Out of sympathy I tap her back para pakalmahin siya.
"Alam ko pong may pinagdadaanan lang ho kayo, aleng Madielaine tutulungan ko po kayo sumama po layo sa akin" Maybe this way makatulong ako and it seems na hindi siya war freak like what other said.
"Saan tayo pupunta?" Biglang balisang tanong niya kaya bahagya akong kinabahan baka kasi hindi siya sumama.
"Pupunta po tayong police hihingi po tayo nang tulong—
"Sinungaling! Gusto niyo lang akong patayin!" Nagulat ako sa bigla niyang pagsigaw at pagtulak sa akin.
"Aleng Madielaine hindi po nila kayo—
"Tumahimik ka bata! Hindi mo ko kilala, ako si Monica hindi ako si Madielaine mahina ang babaeng yun" biglang nag iba ang aura niya para siyang nakakatakot na tao.
YOU ARE READING
Mary Madison (UNDER EDITING)
Gizem / GerilimStarted: July 2, 2021 Ended: November 24, 2021 You can read the English Version in Goodnovel