Chapter 10: Drummer
"Gusto kong alamin mo kung saan lumipat si Julia Cordova" Mahinang sabi ko. Nasa loob kami nang music room ngayon.
"Marupok ka talaga, iniwan ka na nga nung tao—
"Shut up I just want an answer from her" giit ko, sinuklay niya ang buhok niya gamit ang daliri niya tsaka ako tinignan.
"Hindi ako detective pero susubukan ko" Sambit niya tsaka kinuha ang isang gitara sa tabi niya.
"Ngayon ba tayo mag pa practice?Di ba masyado pang maaga?" Kunot noong tanong ko bahagya siyang ngumisi bago inilapag ang gitara sa tabi niya tsaka tumayo.
"Ang totoo niyan hindi pa buo ang grupo ko" Mas lalo akong nagtaka sa sinabi niya.
"Hindi lang ikaw ang hihingan ko nang pabor. Maghahanap pa ako nang tao na kayang mag drum at mag gitara tsaka mag piano" Sabi niya pa. So parang gumagawa siya nang banda huh?
"E anong ginagawa ko dito?" I mean may sasabihin raw siya e.
"Tulungan mo kong maghanap" nakangiting sabi niya. Hindi niya ako makukuha sa ngiti nu.
"Uwian na" usal ko.
"Actually may alam na ako sa guitarist kaso hindi ko pa siya napapayag"
"Sino?" Takang tanong ko.
"Kyle Larson" Sambit niya at naglakad na palabas nang room kaya sinundan ko siya.
"So anong plano mo?" Nakakainis na palaging tipid ang sinasagot niya parang ako ang may kailangan sa kanya sa sitwasyon kong to.
"Ikaw ang pipilit kay Kyle alam ko namang madali mo yung mapapayag"
"Huh?Pano mo naman nasabi? E hindi ko nga yun Kilala" halos magsalubong na ang kilay ko.
"Masasagot rin yan kapag nakilala mo na siya" Mayabang niyang sabi, hindi niya talaga ako binibigyan nang deretsong tanong kailangan pa talagang ako ang maka diskubre. Kainis.
"Sa Pianist naman ay ako na ang bahala, may nakita ako noon na nag pa pinao rito ang kailangan ko lang ay mahanap siya" Paliwamag pa niya. Naglalakad pa rin kami sa mahabang hallway na hindi ko alam kung saan kami pupunta. Sinusundan ko lang naman ang lalakeng to.
"E sa drummer?" Takang tanong ko.
"Wala pa akong nakikita" Sabi niya, huminto kami sa isang classroom.
Grade 11 students.
"What are we doing here?" Nagtatakang tanong ko habang nakaturo sa pinto.
Biglang bumukas ang pinto at siya ring paglabas nang mga studyante. Napatabi ako nang daan dahil sa ingay nila.
"Hanapin mo si Kyle Larson dyan" Sabi niya at tinapik ang balikat ko, napaawang ang labi ko nang mabilis niya akong iniwan.
Iniwan nanaman ako sa ere!
Maya maya pa ay may biglang lumapit sa akin tatlong lalake.
"May kailangan ka Miss?" Sa tindig palang nila ay halatang mga ay boy na, parang mga gangster.
"Andyan pa ba si K-Kyle Larson?" Kunot noong tanong ko at tumingin sa loob nang room.
"Anong kailangan mo sakin?" Nagulat ako nang biglang lumapit sa akin ang nasa gitna na lalake.
As in lumapit siya, like ang lapit lapit niya na kaya mahina kong itinulak ang dibdib niya.
"I just want to ask you a favor kung pwede lang?" Nagbabakasakaling tanong ko. Ngumisi ito at wala ako g nagawa kundi umiwas dahil sa mga tingin niya.
YOU ARE READING
Mary Madison (UNDER EDITING)
Mystery / ThrillerStarted: July 2, 2021 Ended: November 24, 2021 You can read the English Version in Goodnovel