Chapter 12

4 1 0
                                    

Chapter 12: Madi

Hindi ko alam kung bakit ako isinama ni Nica ngayon dito sa mall. Nung lras na pumasok ako sa bahay ay bigla niya nalang ako kinaladkad at excited na excited pa siya habang ako nama'y naka uniform pa rin.

Kasama naman namin si Ma'am Veron—ang Mommy ni Nica.

Kaya lang hindi ako komportable hindi ko pa rin nakakalimutan nag ginawa niya kahapon, she just show her b*tch side.

"Mommy gusto kong bumili nang bagong lights stick!" Masiglang sabi ni Nica. Hindi ko alam kung dinala ba nila ako dito para may kasama o para may taga bitbit?

Ako kasi ang pinabitbit nang Mommy niya pero oks lang sakin.

"Ahh sure Baby, ahm Mary ija can you reserve us a table sa food court?Para makakain na rin tayo" Mahinang sabi nito. Ang bait niya talaga sa harap nang maraming tao pero kapag kami lang dalawa nevermind.

"Sure po Ma'am" sabi ko at tinalikuran na sila.

Buti nalang at mag isa na ako. Hindi ko kasi talaga kaya kapag andyan lang sa paligid yung Mommy ni Nica.

Hindi agad ako naka kita nang mauupuan dahil sa rami nang tao.
Kaya parang nilibot ko pa ang buong food court napangiti ako nang may mamataan akong isang bakanteng mesa sa dulo.

Agad akong pumunta doon. Nilagay ko ang bag ko nang may biglang naglapag nang isang tray na pagkain.

Inangat ko ang tingin ko at kumunot agad ang noo ko nang makita ang tatlong babae na nakataas pa ang kilay.

Akala ba nila ikinaganda nila ang pagtaas nang kilay nila?Nagmumukha lang silang manok na may sakit. Natawa nalang ako sa naisip ko, ang bad ko talaga.

"Sorry this seat is occupied" Maarteng sabi nang babae.

"Ah ganun ba?Wala naman kasing nakaupo tsaka walang tao panong naging occupied?" I'm being Sarcastic pero nagiiba talaga ang tuno para lang akong nagpapaka humble.

"Nauna kami tsaka ikaw lang naman mag isa mag paraya ka nalang" Sabi nang isang babae na sobrang kulot ang buhok.

Napasinghap ako at inilibot ang paningin ko sakaling andito na sina Nica kaso wala pa.

"Okay" okay. Magpaparaya nalang para sa mga malditang to.

"You're from White Knights University?" Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. Aalis na sana ako e!

"Obvious ba?" I said.

"I heard na maraming gulong nangyayari dun" Usal nito. Pake mo?

"Sorry pero kailangan ko nang umalis" Sabi ko at nilagpasan sila kaso pinigilan ako nung isa nilang kasama.

"Wait lang may itatanong pa kami, Do you know Julia Cordova?" Parang tumigil ang oras nang marinig ko ang pangalang yun. Kilala nila si Julia?

"Oo bakit?"

"Ahh so you know that loser" Sabi pa nang nasa gitna at tumawa sila nang sabay. Girl hindi ako maka gets.

Knowing Julia lalaban yun kapag may nang-aapi.

"Baket?anong problema niyo sa kanya?" Nagtatakang tanong ko.

"Natapunan kasi namin siya nang juice dito rin yun sa food court kaso parang war freak kung maka react tapos nung sinampal namin natigilan loser naman pala, we even took a video gusto mong makita?" Kinuha pa niya ang phone niya habang ako naman ay hindi na ma ipinta sa galit. E kwento niyo na lahat nang kagaguhang ginuba niyo sa akin wag lang ang kaibigan ko na inaapi niyo.

"Kayong may kasalanan tapos kayo pa ang nanakit?You guys look pathetic" I said straight to their face. Damhin niyo ang galit ko.

Kahit galit ako sa babaeng yun mahal ko parin yun.

"How dare you" Napasinghap pa ang babae habang lumalapit sa akin.

"How Dare you! She's my Bestfriend!" Sigaw ko pinagtitinginan na rin kami nang mga tao. I hate it.

"Oh we don't know kaya pala you look loser like her" Isa pa at masasampal ko na to.

"Wait! Let me try this" Nagulat ako nang bigla akong buhusan nang malamig na juice sa mukha.

"Oh My God! You're such a good girl Messy sana kinuhanan mo rin nang video para same sila nang bestie nila" Pagkatapos mag salit aay nagtawanan sila. Anong nakaka tawa?ang corny.

Hindi talaga ako nasasangkot sa gulo pero dahil sa ginawa nila mapapasangkot ako.

Galit kong kinuha ang isa pang juice at ibinuhos sa kanila hindi pa ako nakuntinto at kinuha lahat nang pagkain sa tray nila at pinagbababato ito sa kanila.

B*tch please wag ako. You just turned my evil side, Here goes Madi.

"Fvck!" Daing nila at wala silang nagawa kundi isangga ang mga kamay nila. Hindi ako tumawa ano ako baliw? Tinignan ko lang sila nang masama ang dungis dungis na nila.

Tatalikod na sana ako kaso hinablot ako nung kulot na babae at sinabunutan. Wala man lang taong naglakas loob na pigilan kami at nag video lang sila.

Masyado bang entertaining ang ginagawa namin?

Ang sakit sakit na nang anit ko dahil sa pagkakasabunot nila. Nabunggo na ang ulo ko sa mesa at lahat nang pagkain na tapon sa akin.

Rinig ko ang malakas na kidlat. Parang nag che cheer sila, hindi ko lang alam kung sa akin o sa mga babae.

"Uy pigilan niyo!"

"Tama na yan"

Hanggang salita nalang ata sila.
Nanghihina na ako, ang sakit sakit na nang ulo ko.

Nang mabitawan nika ako ay hingal na hingal ako at para na akong maiiyak.

"That's what you get from messing up with us!" Sigaw nang babae habang nagpipigil nang galit.

Tinalikuran ko sila kasabay nang pagkuha ko nang bag ko. Nakakainis.

Look what I've done para lang ipagtanggol ka Julia. Sana lang ay magpakita ka na pag katapos nito.

Sinamaan ko nang tingin ang mga taong sinusulyapan ako dahil sa dumi ko. Ang basa basa ko na.

Binalikan ko sina Nica kung saan ko sila iniwan kaso wala na sila.
Asan naman kaya sila.

Nagulat pa ako nang biglang mag vibrate ang phone ko kaya tinignan ko ito.

Nag text lang si Nica.

Nica:
Ate andito na kami sa bahay san ka?

Napa awang ang labi ko matapos mabasa ang text niya.

Nereplayan ko siya kaso sa kamalas malasan ay wala akong load. Matatagalan ata akong maka uwi dahil sa lakas nang ulan e wala naman akong dalang payong.

Ang lamig lamig pa naman dito sa loob pano pa kaya sa labas?

Basang basa na ang nagiisang uniform ko tss.

Lumabas ako nang mall dahil nakaka ilang ang mga titig nang mga tao.
Nakakainis ang mga babaeng yun pasalamat sila at tatlo sila at nagiisa lang ako.

Ilang oras na ata akong naghihintay dito sa mall madilim na rin at hindi pa rin tumitila ang ulan.

Naisip ko nalang na maglakad hanggang sa sakayan nang jeep.
Nakakaiyak. Nagiisa ako, ang sakit sakit nang katawan ko.

Nanginginig na ako dahil sa lamig at ang sakit sakit na rin nang ulo ko, anong nangyayari sakin?

Sobrang sakit talaga nang ulo ko feeling ko hihimatayin na ako.

"Miss magpapakamatay ka ba sa lamig?" Tinignan ko ang nagsalita pero hindi ko siya maaninag dahil malabo na ang paningin ko. Napa atras ako dahil hindi ko na mabalanse ang sarili ko.

"Teka Mary?Okay ka lang?" Hindi ko na nakayanan at namalayan ko nalang nasa bisig na ako nang lalakeng sumalo sa akin and all went black.

//WyByCa

Mary Madison (UNDER EDITING)Where stories live. Discover now