Chapter 26: Jealous
Agad kong inayos ang gamit ko ng dumating kami sa bahay ni Kyle. Laking pasasalamat ko sa lalake dahil napaka buti niya sakin.
Hindi ko nga alam kung bakit nung unang impresyon ko sa kanya ay manyak at bad boy.
Dahil sabado. Inubos ko lang ang oras ko sa pakikipag usap kay Alwng Madelaine. Wala si Kyle ngayon dahil may family reunion daw sila.
Simula noong muntik na akong saktan ni Aleng Madelaine ay mas kinakausap ko pa siya. Mas pinapasata ko siya para hindi siya mabagot at mag iba ang personalidad.
Kahit kami lang dalawa ang andito ay hindi naman ako natatakot. Mas naaawa pa nga ako sa kanya.
Nag tanong tanong rin ako sa kanya pero wala talaga siyang maalala. Kung titigan ko si Aleng Madelaine ngayon.
Ibang-iba na siya sa dati. Kasi ang dungis dungis niya noon pero ngayon para may pamilya na talagang nag aalaga sa kanya.
Dumating ang lunes maaga akong nagising, nag alarm kasi ako baka ma late ako dahil malayo na ngayon ang tinitirahan ko.
Hindi nga nagsinungaling sa akin si Kyle dahil sinundo niya ako at 7 AM.
Kumain muna kami bago umalis, sayang rin kasi yung niluto kong ulam.
Noong lumabas ako ay may napansin akong itim na kotse na nakaparada sa labas. Nakakapagtaka lang kasi dahil wala namang bahay sa tapat namin.
Tsaka malayo ang pagitan ng mga bahay dito. Hindi ko nalang pinansin yun, baka nag ha hallucinate lang ako.
We arrived at school at 8 AM, saktong sakto. Muntik pa akong ma late. Buti nalang at napilit ko si Kyle na wag na akong e hatid sa room, baka pagtinginan na naman ako kapag nagkataon.
“Uy Mary nanliligaw pala sayo si Kyle?” Tanong ng kaklase kong si Ann. Hindi ko alam kung bakit niya kilala si Kyle. Siguro dahil sa mga classmates ni Kyle?
At hindi ko rin alam kung saan niya nakuha ang balitang yan. I just nodded shyly. There's no point in denying.
“Oh seryoso?Ang tahimik mo lang dito ah! Nakikipagdaldalan ka pala sa labas?” Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko nang iinsulto tong si Ann. Napangiwi ako dahil sa inasta niya.
“Baka naman pwede mo kong ipakilala sa barkada ni Kyle” Pamimilit pa nito.
“Ah siya nalang tanungin mo” Sambit ko.
“Ang damot mo naman! Plano mo bang jowain sila lahat?” Natatawa pang tanong niya. Bigla akong nainis.
“Wala naman akong sinabing ganon” Sambit ko.
“Ang lan—
Napahinto siya sa pagsasalita ng may biglang dumaan sa harap namin. Talagang sa harap namin, sa lawak ba naman ng daan bakit sa gitna pa namin?
It was Dwayne.
“Andyan na si Maam” Sabi nito at umupo sa tabi ko. Weirdo talaga.
Buti nalang at umalis na si Ann. Ang kulit ng babaeng yun, ang hirap ring kausapin napaka immature.
Matapos ang klase as usual practice na naman namin. It's 15th day of December.
Malapit na pala ang Birthday ko.
Malapit na rin ang Christmas vacation namin. Excited na ako. Nakakapagod na rin kasing mag-aral.
“Since na practice na natin ang apat na kanta. Apat nalang ang kulang at matatapos na tayo” Anunsyo ni Zyke dahilan para mapangiti kami. Ang bilis lang pala.

YOU ARE READING
Mary Madison (UNDER EDITING)
Misterio / SuspensoStarted: July 2, 2021 Ended: November 24, 2021 You can read the English Version in Goodnovel