Chapter 49

0 0 0
                                    

Chapter 49 SD CARD

Monday ngayon at kailangan kong pumunta nang school kasi nga, I still need to attend practices para sa graduation namin.

I still can't move on in Kyle's farewell though pero wala naman kaming magagawa kundi tanggapin ang desisyon niya.

“Thank you po” Sambit ko ng makababa ako ng sasakyan, ngumiti sa akin ang driver.

Wala nang naka sunod sa aking mga body guards ngayon kaya nakakahinga na ako ng maluwag.

March na at tudo practice na kami. Tapos na rin kasing mag exam yung ibang grades dahil may graduation.

Halos pumupunta nalang ang mga estudyante dito para mag practice para sa graduation.

“Uy ang ganda ng kwentas mo ngayon, bigay ng lolo mo?” Tanong ni Ashley. Matagal ko na tong suot nung nasa akin pa to at hindi ko alam kung bakit hindi to napansin ni Ashley.

Nandito kami ngayon sa cafeteria ng school.

“Matagal mo na yang di suot ah akala ko nga nawala mo” Wayne added. Tinignan ko silang pareho.

“Nawala ko ‘to, nakay Kyle lang pala. Binigay niya sakin nung nagkita tayo sa school” Sagot ko sa kanila. Yung mga reaksyon nila the moment I uttered Kyle’s name para bang sinasabi ng utak nila na 'that man' na para bang nauubusan na sila ng pasensya.

Napatingin tingin ako sa paligid dahil biglang umingay ang paligid. Parang may nag-aaway yata.

“Si Karina ata yan, masyado na atang kina career ang pagiging queen bee akala mo naman mukhang queen e literal na mukha syang kinagat ng buboyog” Natatawang sabi ni Ashley. Napatingin ako sa kanya.

Hindi ko kasi kilala yung Karina na sinasabi niya.

“Lately ka lang kasi lumalabas ng room kaya hindi mo siya kilala” Usisa pa ni Zyke.

“May binubully na naman yun panigurado” Sabi ni Wayne.

Napatayo agad ako pero agad akong pinigilan ni Wayne at hinila niya ako pa upo.

“Girl wag mo nang subukang umawat, war freak ang babaeng yun” Napailing iling na sabi ni Ashley.

“E dapat mas tulungan natin yung binubully niya, kawawa naman” Usal ko habang tumitingin sa mga estudyanteng nagkukumpulan.

“Yung boyfriend niya ay leader ng isang gang kaya wala talagang nagtatangkang awayin yang si Karina” Sambit ni Ashley. Ngayon ko lang napansin na parang ang rami niyang alam.

Napansin nita atang nakatingin na kaming tatlo sa kanya. Napayuko siya at ngumiti.

“She bullied me once” Sabi niya habang naka ngiti pa.
“Last year” Kaya pala ang rami niyang alam kay Karina na yun.

“KYAAAH!” May sumigaw na na babae at yung mga estudyante nag ingay na rin.

Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko at pumunta ako doon sa nagkukumpulan.

Hindi ko na pinakinggan pa ang mga pag tawag sa akin ng mga kaibigan ko.
Hindi ko yata kayang umupo lang habang may inaapi sa paligid ko.

Lalo na at may kakayahan naman akong pigilan ito. Kung willing ka talaga tumulong hindi mo na maiisip kong among consequences ang haharapin mo pagkatapos.

Siniksik ko ang sarili ko sa mga estudyante hanggang sa nakarating ako sa gitna. Pinagtinginan nila ako agad.

Hinanap ko agad yung sumigaw at nakita ko ang isang babaeng kaawa awa na naka upo habang nakayuko.

Mary Madison (UNDER EDITING)Where stories live. Discover now