Chapter 36

0 0 0
                                    

Chapter 36: Madielaine is missing

Patakbo na kaming dalawa ni Ashley papunta sa event hall. Hawak kamay kaming tumatakbo. Kinakabahan na ako sobra.

Nasa gilid na kami naka upo lang sa tabi ng stage habang nag sasalita pa ang host.

“Asan na ba kasi si Kyle?”

“Wala pa rin ba?” Worried kong sabi. Halata sa mukha ni Zyke na balisa.

“Hahanapin ko ba kung andito” He sarcastically said making my eyebrows furrowed.

“Kumalma ka nga! Kung ano ano na yang nasasabi mo” Sambit ko ngunit hindi siya nagpatinag.

“Diba palagi kayong magkasama hindi ba siya nag message sayo? Ngayon pa talaga hindi pumunta” Sambit niya napansin ko ang paglapit ni Wayne sa kanya.

“Hindi natin siya kailangan” Sabi ni Wayne. Napatingin ako sa kanya. Was he right? Tama ba talaga ang mga sinabi niya?

“Anong di kailangan? Guitarist natin yun hindi pwedeng mawala siya” Sagot ni Zyke.

Huminga ako nangmalalim.

“Ako nalang” Sambit ko dahilan para mapatingin sila sa akin.
“Alam ko lahat ng chords na prinactice natin. Pwede ko namang pagsabayin ang pagkanta at paggitara” Ngumiti ako para hindi na sila mamroblema.

Alam kong big deal na para sakin ang pagkanta sa harap ng maraming tao ano pa kaya kung mag gigitara ako.

“Sigurado ka?” Ngumiti ako habang tumango.

“So may we call onThe D’mers Band to perform a son for us” Biglang dinaga ang dibdib ko ng tinawag kami.

“Kaya natin to” - Wayne.

“Wag lang talagang papakita yang si Kyle, kukutusan ko yun” - Ashley.

“Para sa grades” sabi ni Zyke, I almost laugh.

Pumwesto na ako sa harap. Kinuha ko muna ang gitara sa pwesto dapat ni Kyle katabi nung kay Wayne.

“Goodluck” Kinindatan pa ako ni Wayne habang sinasabi yun. Hindi ba siya kinakabahan?

“Goodluck satin” Sabi ko tsaka bumalik na sa harap.

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko dahil sa mga taong nakatitig sa amin.

Wayne started to tap both of his drum's stick indication that we'll start.

Now playing : You and I by One direction

Sinimulan ni Zyke ang pagkanta. Pumikit na lang ako para hindi ko makita ang mga taong nakatingin sa amin.

Nang mag chorus ay sabay kaming bumirit ni Zyke. All students were staring at us. Appreciating the moments.

You and I, we don't wanna be like them
We can make it 'til the end
Nothing can come between you and I
Not even the Gods above
Can separate the two of us
No, nothing can come between you and I
Oh, you and I

Rinig na rinig sa buong hall ang sigawan at tilian ng mga studyante nang matapos kami.

Kumanta pa kami ng isa hanggang sa pinagpahinga muna kami at may gagawin pang activity.

Nag sigawan pa ang mga studyante ng isa pa raw pero hindi sila pinagbigyan ng host. Kakanta ulit kami mamaya. Sad song naman.

Uminom muna ako ng tubig, halos mapangiti ako ng ma kanta namin ng maayos ang prinactice namin.

Mary Madison (UNDER EDITING)Where stories live. Discover now