Chapter 4: Kidnapped
Kinabukasan sabado kaya wala akong pasok. Usually kapag walang pasok ay stay at home lang ako.
May pera naman kasi akong inipon nina Lolo para pagka college ko at paubos na rin ang allowance ko.
3 years na silang wala at wala na akong maaasahan. Siguro ay maghahanap nalang ako nang trabaho hindi ko naman pwedeng gastusin ang pang college ko.
Pag tungtong ko nang 18 ay maghahanap agad ako nang trabaho and that's one year and 4 months from now.
Malapit na. At mag bi birthday nanaman akong wala sina Lolo at Lola at si—Julia.
Biglang may kumatok kaya napa ayos ako nang upo sa kama, bumungad sa akin ang anak ni Vescinzo si Nica.
"Kain na tayo Ate Mary" Nakangiting sabi niya.
"Excited na ako kasi may mga plano ako ngayong gagawin natin" As usual she giggled. Nahihiya akong sumabay sa kanya pababa.Hindi ko pa na me meet ang Mommy niya sana lang ay hindi masungit.
"Good morning po" Bati ko mang maabutan ang isang magandang babae sa lamesa sa katabi niya naman ay si Sir Vescinzo. Gosh those people are stranger tapos ngayon kasama ko sila sa hapag kainan?!
"So you are Mary, asan ang mga magulang mo? Your Mom?Your Dad?Bakit ka andito?" Sunod sunod na tanong niya kaya napalunok ako. Nakakahiya. Mukhang hindi niya gusto na andito ako.
"Ahm hindi ko po kilala ang Papa ko, yung Mama ko naman po ay wala na" Pahina nang pahinang sabi ko, nakayuko lang ako at hindi siya tinitignan.
"Ah kumain na muna tayo mamaya na ang mga tanong" Biglang sabi ni Sir Vescinzo, alam kong pilit niya lang inilalayo ang usapan.
Pwede naman na sa apartment lang ako ha bakit kailangan dalhin pa ako Dito. Naka abala tuloy ako.
"So sinong nagpalaki sayo?" Sa kalagitnaan nang pagkain ay nag tanong ang babae.
"Lolo at Lola ko po" Sabi ko.
"So malapit ka pala sa grandparents mo?Buti ka pa ako kasi hindi. Mas mahal nila ang isa nilang apo" Napalingon ako sa katabi ko si—Nica. Malungkot ang pagkaka sabi niya.
"May mga magulang ka naman e di gaya sakin" mapait kong usal.
Gusto ko sanang umalis kaso hindi ako pinapayagan, ang rami pang police na naka bantay sa labas. Tapos para akong pinaparusahan dahil sa kadaldalan ni Nica. Andito sa siya kwarto at tudo kwenta sa kpop na ini idolo niya na Hindi ko naman pinapakinggan.
Bakit pa? Hindi ako interesado.
Kinagabihan sumama ako may Nica dahil may bibilhan raw siyang pagkain sa convenient store muntik pa nga akong di ipasama e buti nalang at napapayag ni Nica ang mga police. Tsaka malapit lang naman daw.
Ala seite pa nang gabi kaya marami pang mga sasakyan ang dumadaan sa subdivision.
"Ay sarado pala sila ngayon?" Dismayado si Nica nang makitang closed ang store.
"Dun nalang tayo sa labas nang gate may malapit namang store doon" Pinigilan ko siya namg akmang maglalakad na siya. Ipapahamak pa ako nang batang to e."Sabi nang mga police dito lang tayo sa loob nang subdivision" Sambit ko, tinignan niya ako nang makahulugan.
"Pero wala silang sinabi na bawal tayong lumabas nang subdivision" Naughty as she is bigla nalang akong hinila dahilan para mapatakbo rin ako.
Hindi naman mahigpit ang guard dahil pinalabas rin kami agad.
Nasa gilid kami nang kalsada nag lalakad. Yung mga gamit ko sa apartment hindi pa rin hinahatid ni Tita ako na sana ang kukuha kaso nga hindi ako pinayagan dahil ihahatid rin daw naman yun.

YOU ARE READING
Mary Madison (UNDER EDITING)
Misteri / ThrillerStarted: July 2, 2021 Ended: November 24, 2021 You can read the English Version in Goodnovel