Chapter 42: Friendship bond
Maaga akong gumising kinabukasan dahil 7 o'clock yung schedule ko sa exam.
Hinatid ako ni Lolo papuntang school since malapit lang naman at papunta na rin siya sa trabaho.
Napasinghap ako tsaka pumasok sa loob ng building. Pupunta kami ng Mall mamaya, temporarily last bonding naming mag ka kaibigan kasi bukas na yung alis ko.
Nagpaalam na rin ako kay Lolo na gagala muna kami ng mga kaibigan ko. Ipinagtaka ko nang sumangayon sya bigla. Akala ko kasi pipigilan niya ako pero nung tanungin ko siya kung bakit ay sabi niya, kilala niya na raw lahat ng kaibigan ko kaya may tiwala siya sa mga ito.
Wala akong kasamang mga taga bantay ngayon dahil pupunta kami ng mall ayoko namang may palaging nakasunod sa amin hindi kami mag e enjoy nyan dahil mahihiya kami sa presensya nila.
Tahimik akong umupo sa upuan ko sa tabi ng bintana—sa likod ng building.
Ang unusual lang dahil ang aga ni Wayne.Nang magsimula ang klase syempre hindi ako kasali dahil may exam ako, sakto namang tinawag na ako ng mag ha handle sa akin.
Same lang ang time ko sa kanila. Kaya sabay lang rin kaming matatapos sa klase.
Kahit papaano ay nasagutan ko naman ang lahat ng tanong di nga lang ako sigurado sa iba kong sagot pero okay lang.
Nang mag lunch ay sabay kaming kumain. Nagkwentuhan, tawanan at asaran lang kami. Pagkatapos ay balik sa klase na.
Dun na ako sa kabilang room dumeretso dahil dun ako nag exam kanina. Kami lang dalawa ng nag handle sa aking teacher kaya nakakailang ang katahimikan.
Buti nalang pinayagan akong mag airphone, wala naman akong makokopyahan rito.
Tsaka nakatingin rin siya sa akin in case na mag che cheat ako pero di yun mangyayari. Siguro kung maramin students hehe.
Matapos ang mahigit 4 na oras kong pag e exam ay uwian na. Ang sakit pa ng pwet ko dahil apat na oras akong nakatayo.
Paglabas ko nang room ay nagulat pa ako dahil naka abang na pala ang tatlo sa akin.
Nag commute lang kami dahil wala ang driver naming nagpapaka mestiryoso dahil di pa rin nag papakita sa amin.
“San tayo ngayon?” Masiglang tanong ni Zyke. Hindi naman halatang excited siya.
Jeep ang sinakyan namin ngayon buti nalang wala pang masyadong pasahero kaya hindi kami nag siksikan.
“Kain muna tayo, gutom na ako” Sabi ko sabay ngiti sa kanila. Nakatuyo kaya ng bibig yung mag stay ka dun sa loob ng room nang apat na oras tapos nahihiya pa akong magpaalam na mag cr dahil ako lang mag-isa tsaka kunti lang kinain ko kanina.
Aminin mo nalang kasi Mary na matakaw ka.
“Chowking?” Nakangiting tanong ni Wayne. Alam niya kasing paborito ko talagang kumain sa Chowking dahil masasarap ang pagkain nila dun.
Dun kasi kami kumain nung once na pumunta kami rito sa mall. Kasama pa namin si Kyle that time.
Matapos ang mahigit isang oras naming pagkain ay dumeretso kami sa arcade. Parang bata kamimg nag-aagawan ng controller.
Ang rami kasing tao ngayon.
Sina Wayne at Zyke pinuntahan agad ang Arcade Hoop parang mga bata talaga inagawan pa yung batang sa tingin ko ay 7 year-old buti nalang busy yung magulang kundi baka napalayas na kami dito.
“Ang sama niyo!” Bulyaw ni Ashley sa kanilang dalawa pero nagtawanan lang ang mga loko.
Nang magsawa na ako sa claw machine ay lumipat na kami ni Ashley. Nakakainis lang dahil naka ilang hulog na kami nang token pero wala kaming nakukuha. Scam ata yun e.
YOU ARE READING
Mary Madison (UNDER EDITING)
Mystery / ThrillerStarted: July 2, 2021 Ended: November 24, 2021 You can read the English Version in Goodnovel