Chapter 21: Her answer
Nagising ako nang maramdaman ko ang mahinang pagtapik sa aking balikat.
Iminulat ko ang mga mata ko at pakiramdam ayaw ko pang dumilat. Inaantok pa ako.
"Ala sais na Mary kailangan na nating umalis" Ani Ashley. Tuluyan ko nang iminulat ang mga mata ko at napag tanto kong bihis na siya samantalang ako ay gulong gulo pa ang buhok.
"Sige susunod na ako sa baba" Mahinang sabi ko, hinintay ko muna siyang umalis bago ako tumayo. Pumupungay pungay pa ang mga mata ko nang tumayo ako.
I handed my bag at dumeretso sa loob nang cr. Nag linis naman ako nang katawan ka gabi kaya nag toothbrush at naghilamos lang ako. Nilalamig pa ako.
Nang bumaba ay naabutan ko si Zyke at Philip na naghahanda nang pagkain.
"Kain na muna tayo" usal ni Zyke.
Sabay kaminh kumain at pakiramdam ko may mali. Ang tahimik kasi nilang lahat.
Matapos ning kumain ay pumunta muna ako nang skwelahan nila at kasama ko si Philip dala dala niya ang bag niya at naka school uniform rin ito.
"Bibisita ako rito minsan kaya wag ka nang malungkot dyan" Pansin ko kasing ang tahimik niya kanina pa kahit alam kong may gusto siyang sabihin.
"O di kayay kayo ang bumisita sa akin doon" Sambit ko sa wakas ay ngumit na rin siya.Sumama ako sa kanya hanggang sa makapasok kami nang gate nang school.
Nasa tapat na ako ngayon nang room ni Julia kasama ko pa rin si Philip. Nakakapanibago lang na maaga raw pumapasok si Julia.
"Julia" I immediately hugged her nang lumabas siya mula sa room nila.
"Aalis ka na?" Mahinang tanong niya tumango ako bilan sagot. Pakiramdam ko maiiyak ako. My time here was worth it dahil nakuha ko ang kailangan kong sagot.
"See you soon Julia ma mi miss ko kayo" Naiiyak na sabi ko. Bago umalis we did a group hug.
Sayang nga lang at hindi nakilala ni Julia ang mga bago kong kaibigan.
Mag isa nalang ako nang lumabas ako nang school naabutan ko pa si Wayne sa labas probably waiting for me.Naka upo ito mag isa sa bakanteng upuan nang karenderya. Ngumiti ako nang may maisip akong kalokohan.
I walk slowly at ginulat siya. Pansin ko ang pag ka gulat niya pero sumeryoso lang din ang mukha niya.
Anong problema nang lalakeng 'to?"Tara na para maaga tayong makarating" He said firmly nagtaka ako dahil sa inasta niya.
"May problema ba?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.
Hindi siya sumagot bagkos ay nagpatuloy lang sa paglalakad. Ang lakad ko ay naging takbo dahil sa bilis niyang maglakad.
Walang sinag ng araw ngayon at sa tingin ko ay uulan.
"Ang bilis mo namang mag lakad!" Asik ko nang maabutan ko siya. Nakita ko sina Ashley hindi kalayuan sa amin na nakatayo sa labas nang sasakyan.
For the last time I stared at my house. My Grandparents memories immediately runs through my mind. Miss na miss ko na sila. At ang mga kaibigan ko na maiiwan dito.
Its like that I'm leaving them alone for a new life.
Napayakap ako sa sarili nang isang malakas na hangin ang yumakap sa akin. Pumasok na ako sa sasakyan at kumunot ang noo ko nang makita ko sa Kyle sa backseat.
"Sinong mag da drive?" I asked casually.
Tinuro niya ang kakapasok lang na si Zyke, ah okay.
Bumukas ang pintuan sa right side ko at bumungad sa akin si Ashley. Ahm okay do I really need to move aside?Madidikit ako kay Kyle! Ang awkward nun!

YOU ARE READING
Mary Madison (UNDER EDITING)
Mystery / ThrillerStarted: July 2, 2021 Ended: November 24, 2021 You can read the English Version in Goodnovel