Chapter 45

1 0 0
                                    

CHAPTER 45 Where did he go

“Ma’am aalis na raw po” Sabi ng isang katulong dito sa bahay ng pumasok siya sa kwarto.

Nakangiti akong tumango tsaka neready na ang gamit ko. Susunduin pa namin ngayon sila Wayne sa mga bahay nila.

Kagabi pa nila ako kinukulit kung saan ba raw kami pupunta e wala naman akong ideya kung saang island kami.

Excited na rin ako kasi makikita ko na ang kaibigan ko. Matagal na rin kaming walang contact sa Isa't-isa.

Na mi miss ko rin kaya siya.

Nasa labas na ako ng gate at pumasok na ako sa van na sasakyan namin. Tumabi ako kay Veronica.

Medjo malungkot si Nica ngayon dahil sa nangyari kagabi. Buti nalang talaga at hindi sila tuluyang umalis.

Hindi ko inakala na hindi pala siya anak ni Tito Jayson. Kaya pala ganun ang mga trato nila pero para sakin totoong pinsan ko si Nica.

Ang bait bait niya bata at ang ligalig pa.

“Wala na ba kayong nakalimutan?” Tanong ni Lolo mula sa front seat.

Nakangiti akong umiling. Bale apat lang kaming nandito sa van habang may naka sunod na dalawang itim na kotse na mga bodyguards.

Una naming sinundo si Ashley. Nakakatuwa siyang tignan dahil may isang maleta siya dala. Nagkasundo naman agad silang dalawa ni Ashley.

Akala ko ay mahiyain to. Ang daldal naman pala kapag nakilala monang lubusan.

Sunod naming sinundo si Wayne since malapit lang yung bahay niya kina Ashley.

“Good morning po Sir Harold” Pormal na bati ni Wayne kay Lolo.

Nginitian siya ni Lolo. Sa likod umupo si Wayne. At magiging katabi niya si Zyke habang kaming tatlo naman ay sa gitna.

“No need for the formalities, you can call me Lolo” Sabi ni Lolo. Panay bulong naman si Ash sa akin na ang bait daw ni lolo.

First time ata nilang ma meet si Lolo officially. Kinukwento ko lang lasi sa kanila ang tungkol sa kanya.

Mahigit 4 na oras rin ang naging byahe namin at bumaba na kami sa tabing dagat kung saan maraming barko at Yachte.

“Woah” Manghang sabi ni Zyke.

“San po tayo dyan Lo?” Tanong ni Nica. Napatingin sa kanya si Lolo tsaka naglakad ito sa harapan ng isang Yacht na puti. May guhit rin itong Double M sa gilid na ipinagtaka ko.

“That Yacht was name after you Mary, Matagal na yan” Sabi niya kaya bigla akong na amaze. May pangalan ko yung Yacht.

Ang galing.

Dalawang oras lang ay nakikita ko na mula rito ang isang magandang isla.
Namangha agad ako nang makita ko ito dahil sobrang lawak at ang ganda pa.

Nakikita ko rin ang isang mahabang tore.

“Bumaba na tayo, sila na ang bahala sa mga gamit niyo” Sabi ni Lolo patungkol sa mga tauhan niya.

Nakangiti kaming tumango dahil sa sobrang excite.

“Excited na po akong mag Island hopping” Sabi pa ni Ashley.

Nang makababa na kami sa Yacht ay agad kong inilibot ang paningin ko at nakita ko agad ang isang bahay.

Agad akong naglakad patungo sa bahay. Sumunod naman sa akin ang mga kasama ko.

Nagtataka akong pumasok sa loob. At nang makapasok kao ay laking gulat ko nang makita ko si Julia.

Mary Madison (UNDER EDITING)Where stories live. Discover now