Chapter 7: Mysterious Guy
[Mary Pov]
Habang pinagmamasdan ang mga sasakyang nakakasabay namin sa daan ay napapaisip ako.
Kamusta na kaya si Julia?Kakausapin niya kaya ako kapag nagkita kami sa school ngayon? Hindi ko talaga akalain na magagawa niya yun sakin, sana lang talaga hindi totoo.
Nag simula talaga ang lahat nang 'to simula nung makilala ko ang babaeng pumapatay which is si Aleng Madielaine or Monica whoever she is, I don't care.
Ngayon haharapin ko nanaman ang mga mapanghusga kong kaklase, ang mga matatalim nilang tingin sa twing papasok ako sa room.
At may isa pa pala, ang makulit na si Wayne.
Sana hindi niya ako kausapin. Gumulo na nga ang buhay ko sa labas nang skwela guguluhin pa niya sa loob.
"Andito na tayo" Napalingon ako sa nagsalita. Si Sir Vescinzo.
Guess what. Hindi talaga nila ako pinayagan kahit anong pagsisisigaw ko wa epek.
Lumabas ako nang hindi siya pinapansin, galit pa rin ako sa kanilang lahat.
Pumasok ako nang tahimik sa room at agad na dumsretso sa upuan ko. Hindi ko alam kung tinitignan nila ako dahil nakayuko lang naman ako.
Si Julia gusto ko siyang kausapin. Late yun panigurado kaya maghihintay nalang ako mamayang lunch break.
"Uy Mary kamusta na yang sugat mo?" Napairap ako nang patago nang tumabi sa akin si Wayne. Sinasabi ko na nga ba. Naka upo siya sa upuan ni Julia.
Nakakakuha nang atensyon ang ginagawa niya.
"Mamaya nalang please" Pakiusap ko dahil ayokong magsalita! Nakatingin silang lahat sa amin. Mga chismosa talaga!
"Bumalik ka na sa upuan mo!" Pasigaw kong bulong sa kanya, nakakainis ang presensya niya."Sorry pero dito na ako naka upo" kalmadong sabi niya habang prenteng naka upo at nakangisi pa!
"Anong dyan?Si Julia dyan! Umalis ka nga" Hindi ko maiwasang mapalakas ang boses ko kaya agad napalingon sa amin ang mga kaklase ko.
"Lumipat na siya nang school kaya ako na ang naka upo dito" Kaswal na sabi niya habang may pataas taas pa nang kilay niya. Sarap sabunutan nang makapal niyang kilay!
"You must be kidding right?Hindi lilipat si Julia, nangako kami sa isa't-isa na sabay kaming ga graduate dito" Seryoso kon sabi hoping that his really joking.
"Hindi ako nagbibiro Mary, lumipat na talaga siya. Itanong mo pa kay Ma'am" seriously? Dahil na rin sa kagustuhang makuha ang kompirmasyon ay tumayo ako at deretso sa faculty room. Wala na akong pakialam sa mga matang nakatingin sa akin.
"Yes Miss Evans?" Bungad na tanong ni Ma'am Andi nang makita ako sa harap niya.
"Totoo po bang lumipat na si Julia?" Tanong ko, sana hindi totoo-
"Yes, pinalipat siya nang mga magulang niya dahil masyado na raw delikado sa anak nila lalo na't may masasamang nangyayari sa lugar dito" Paliwanag niya, nakakainis ang tingin niya. Parang ang sama sama ko sa tingin niya. Is she thinking na ako ang dahilan nang lahat ng yun?

YOU ARE READING
Mary Madison (UNDER EDITING)
Mystery / ThrillerStarted: July 2, 2021 Ended: November 24, 2021 You can read the English Version in Goodnovel