Chapter 30

4 2 0
                                    

Chapter 30: New Year

Matapos kong makita ang napakalaking pera na yun na na nakapangalan sa akin ay agad ko itong niligpit.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa ngayon.

My heartbeat started to beat fast. Bakit may ganoon ka laking pera na naka deposit sakin?

Sino ang nag deposit?

“Mary!” Halos mapatalon ako sa gulat ng tawagin ako ni Tita.

“Po?” I said. Hinintay ko siyang makapasok.

“Gusto mong sumama mamalengke?May nakalimutan kasi akong bilhin” Nakangiti akong tumango.

“Bihis lang po ako”

“Ah sige” Matapos niyang lumabas ay agad akong naghanda.

Lumbas na rin ako matapos kong magbihis. I wonder kung nasaan si Julia ngayon.

“Tara na?” Tumango ako at sinabayan na si Tita sa paglalakad. Sumakay kami ng tricycle papuntang palingke.

Pumunta kami sa wet section para sa bibilhing karne ni Tita.

“Alam mo bang na miss ka namin dito?Hindi ka man lang pumunta sa bahay nung bumisita ka dito” Sabi niya habang namimili ng karne.

“Nagmamadali po kasi ako that time tsaka may mga kasama po ako” Nahihiyang sabi ko. Mahalaga rin para sakin sina Tita dahil parang naging magulang ko na to.

“Hindi ka na ba babalik dito?” Nagtatakang tanong niya. Binayaran niya na ang biniling karne.

“Babalik po. Kapag nahanap ko na ang mga magulang ko” Napahinto si Tita sa paglalakad.
“Bakit po?” I confusedly ask.

“Wala, naalala ko lang yung babaeng nakita ko na nasa bahay niyo. Bata ka palang nun. Sa pagkakatanda ko umalis ang babae at tudo iyak ang Lola mo nun habang karga karga ka” Kumunot ang noo ko. Bigla akong nagkaroon ng pag-asa na baka may alam si Tita.

“Nakita niyo po siya?” Lumungkot ang  mukha ni Tita.

“Bagong lipat pa kami nang oras na yun, hindi ko masyadong nakita ang babae dahil busy ako sa paglilipat ng mga gamit” Kwento pa niya. Bigla akong nalungkot.

But at least. May nakuha pa rin akong impormasyon tungkol sa Mama ko. Malakas ang loob kong si Mama yun. Dahil sa kwento ni Lola.

Matapos naming mamili ay pumara na kami ng tricycle pauwi. Nang akmang sasakay na ako ay bigla akong napahinto.

May nakita akong pamilyar na lalake.

“Mary may problema ba?” Napailing ako at sumakay na.

Sigurado akong si Sir Velasco yun. Bakit naman siya napunta dito sa probinsya namin?

Coincidence lang kaya?

Nakakapagtaka, pangalawang beses ko na siyang nakita sa iisang lugar kung saan hindi ko ene expect na makita siya.

Nang makarating sa bahay ay tinulungan ko si Tita na mag luto at mag prepare sa mga pagkain.

Wala pa rin si Julia kaya naisipan kong puntahan na siya sa bahay nila. Plano kasi naming mag dinner ngayon ng magkakasama.

“Tao po” Kumatok ako sa pintuan nila. Naka ilang katok na ako ngunit wala pa ring sumasagot.

Pumunta ako sa kapitbahay nila para magtanong.

“Excuse me po—

“Mary? Anong ginagawa mo dito?”

“Mark ikaw pala yan. Asan pala si Julia?” Tanong ko sa lalakeng kaibigan ni Philip.

Mary Madison (UNDER EDITING)Where stories live. Discover now