Chapter 13: Sympathy
""Elaine... Elaine ang pangalan nang Mama mo, pero mas mabuting wag mo na siyang hanapin apo hindi ka rin niya maaalagaan nang tama"
"Hindi ko po ba siya pwedeng makita?Kahit picture niya lang"
"Apo alam mo namang nasunugan tayo nang bahay nung tatlong taong gulang ka pa lang, nawala lahat pati mga litrato nang Mama mo"
"E yung Papa ko po?"
"Wag mo nang isipin ang Papa mo hindi pa ba kami sapat sayo ha apo?"
"Hindi naman sa ganun lola—
"Mary Apo ko mahal na mahal ka namin nang lolo mo wag mo kaming iwan"
"Mary sa kwarto ka na muna ako nang bahala sa lola mo mukhang makikipag usap nanaman ako sa ibang pagkatao niya"
"Sige po Lolo"
__~~~__
Nagising ako dahil sa sobrang lamig nang pakiramdam ko. Bigla kong naisip ang nangyari kagabi kaya agad agad akong umupo nang maayos ngunit nakaramdam lang din ako nang matinding sakit sa ulo.
Nasaan ako?
Yan ang tanong ko sa isipan, maaliwalas ang kwarto at alam kong wala ako sa kwarto ko.
Biglang bumukas ang pinto kaya kinabahan ako,baka may kumuha saking hindi ko kilala tapos...
Napayakap ako sa katawan ko at gulat na tinignan ang taong kaka pasok lang.
"Gusto kita pero wala naman akong masamang intensyon sayo! Hindi kita ginalaw" Nakahinga ako nang maluwag sa sinabi niya but I feel a sudden uneasiness dahil sa inamin niya.
"Pano pala ako napunta dito?" Nahihiyang tanong ko, the fact that his a boy tapos kaming dalawa lang dito.
Or I'm wrong.
"Malamang binuhat kita" Para gusto ko nalang umatras sana pala hindi ko nalang tinanong.
Nakaramdam ako nang ilang nang bigla siyang lumapit sa akin. Napaiwas ako nang bigla niyang hawakan ang noo ko gamit ang likod nang palad niya.
"Mainit ka pa rin, kumain ka na nag handa ako nang pagkain para na rin maka inom ka na nang gamot" Sambit niya kaya tumango nalang ako.
Ang sama nang pakiramdam ko ngayon parang ayaw ko nalang mag salita.
Tinignan ko ang phone ko ngunit naka patay ito kaya minabuti ko nalang na mag tanong.
"Anong oras na?"
"9 AM" Sambit niya tsaka lumabas nang kwarto.
Napahawak ako sa ulo ko nang makaramdam nang hilo.
Siguradong hinahanap na nila ako ngayon.Kung bakit na kasi ako iniwan nila Nica.
__~~~__
[Veronica Pov]
"Hindi ko siya ma contact, bakit ba kasi iniwan niyo siya?!" Napapikit nalang ako dahil sa sigaw ni Daddy kay Mommy.

YOU ARE READING
Mary Madison (UNDER EDITING)
Mystery / ThrillerStarted: July 2, 2021 Ended: November 24, 2021 You can read the English Version in Goodnovel