Chapter 11: Getting to know each other
"San ba tayo pupunta—aray aray! Sabihin mo nga kung anong kailangan mo sakin?bat kailangan mo pa akong kaladkarin?" Hindi ko siya sinagot, nanatili ang hawak ko sa palapulsuhan niya. Sinabi ko na sa kanya kung anong kailangan ko pero tinanggihan niya lang ako.
Ngayun ang usapan namin ni Zyke na mag meeting para sa kantang kakantahin namin.
Itinulak ko siya sa loob dahil talagang wala siyang balak pumasok sa music room.
"Ano 'to?" Wala sa sariling sabi niya habang nakatingin sa mga taon nakikita niya sa harap niya.
"Sasali ka sa band" Sabi ko at tumabi sa kanya.
"Ayoko nga di ba?Wala naman akong makukuha dito e" Sabi pa niya at pa kamot kamot sa batok niya.
"Sige na please" Pakiusap ko. Bakit nga ba ako ang nagpapakaawa dito e si Zyke naman ang may kailangan sa aming lahat.
"Huwag niyo kasing pilitin kung ayaw" Usal nang lalakeng nasa gilid lang naka upo habang pinapa tuno ang mga gitara. Si—Kyle.
Bumuntong hininga ako. Hindi naman pala ganun kadali ang pagpilit kay Wayne.
"Sige na hindi na kita pipilitin, nagbabakasakali lang naman akong mapapayag ka" Sabi konang hindi tumitingin sa kanya.
"So bukas nalang natin ituloy ang meeting, I still need to find a drummer" Sabi ni Zyke at kinuha ang bag niya.
Narinig kong bumuntong hininga si Wayne sa gilid ko.
"Sige na sige na! Papayag na ako" Napangiti ako sa sinabi niya.
"But I'm not doing this favor to you! Mukhang ikaw pa naman ang leader nila, I'm doing this para sa kawawang babaeng 'to" dinuro pa talaga niya ako.Naglakad na ako palapit sa kanila at umupo. We encircled our chairs.
"You can ask a question para sasagutin ko nalang" Sambit ni Zyke.
Agad kong tinignan si Wayne dahil mukhang siya ang clueless dito.
"Para saan ba'to?" Nakakunot noong tanong niya, halata talaga sa mukha niya na napipilitan lang siya.
"Inatasan kasi ako na kumanta sa valentine's day at gumawa raw ako nang grupo" Paliwanag niya. Seriously?Inatasan?You doing this for your grades FYI.
"Teka Valentine's pa?E ang tagal pa nun e!" Giit niya at tumayo. Akmang aalis na siya nang pigilan ko.
"Kaya nga tinipon ko na kayong lahat para hindi na ako mahirapan pa gaya nang ginawa mo kanina tsaka magiging busy kasi tayo ngayong ber months" May point naman siya. Tanging si Zyke at Wayne lang talaga ang nagsasalita dito. Pa minsan minsan naman ay sumasabat si Kyle.
Katabi ko kasi si Kyle sa kanan habang sa kaliwa naman ay si Wayne at ang katabi ni Wayne sa kaliwa ay si Ashley at ang katabi ni Ashley ay si Zyke.
"So kailan ang practice?" Deretsong tanong ni Kyle.
Hinihintay ko rin ang sagot niya since matagal pa naman ang due date.
"Sa November nalang tayo magsimulang mag practice pagkatapos nang 1 week vacation, isupat niyo nalang ang buong pangalan niyo dito tsaka number para ma text ko kayo kung kailan tayo magkikita" Paliwanag niya at may ibinigay na isang perasong papel kay Ashley.
"May ballpen ka?" Mahinhin na tanong sa akin ni Ash.
Naghalungkat naman ako sa bag ko, as an introvert person ay talagang may ballpen ako palagi sa bag. At hindi ko na inaasahang magtatanong pa si Ash sa mga lalakeng to.
YOU ARE READING
Mary Madison (UNDER EDITING)
Gizem / GerilimStarted: July 2, 2021 Ended: November 24, 2021 You can read the English Version in Goodnovel