Chapter 25

0 0 0
                                    

Chapter 25: Case closed

“Seryoso kami Bata, hindi mo na kailangan pang mag dusa. It's proven na hindi ka kasabwat” Napangiti ako sa sinabi ni Inspector Velasquez.

Grabe hindi ko akalain na dadating ng ang araw na to. Parang kailan lang.
Excited na rin akong bumalik sa apartment ni Tita Melody.

Wala na rin akong balita tungkol sa kanya.

“Thank you po” I said.

Medjo hindi pa rin panatag ang loob ko knowing na nag sinungaling ako. Well at first wala naman talaga akong intensyon na e keep si Aleng Madelaine but I found something interesting on her life.

There's something on me na gusto ko siyang tulungan at alagaan. Medjo nahihiya na rin ako kay Kyle. Buti nalang hindi nagiging awkward ang pag-uusap namin dahil sa pag amin niya.

Siguro magsisimula ma rin akong maghanap ng trabaho. Ayokong gastusin ang mga pinundar ni Lolo at Lola.

Ayoko rin namang bumalik sa probinsya namin, not now. Unang rason ko talaga nung pumunta ako dito sa City ay para maka move on but now it turns out that I want to find my parents.

Matapos ang pag-uusap, tatlong katok mula sa pinto ang narinig ko bago pumasok si Nica.

“Hi” Alam kong malungkot ang babaeng to. Hindi ko naman maikakaila ma ma mi miss ko rin siya.

Napaka jolly niya kasing bata. Ang dali niya lang mapasaya and she makes me happy.

Nagkaroon nga lang ng lamat ng dahil sa ginawa niya but that's doesn't matter now, I already forgave her.

“Bakit?” Tanong ko. Lumapit ito sa akin at umupo katabi ko.

“Aalis ka na talaga? Final na?” Tahimik akong tumango, I saw a sadness on her face.

“Bukas pa naman ang alis ko. Wag kang mag-alala magkikita pa naman tayo” Sambit ko to ease her sadness.

“Promise yan ha” Sabi nito. Wala sa sarili akong napatango.

Ayoko na ring maging pabigat dito sa bahay nila. Isipin mo hindi nila ako ka ano-ano tapos ng dahil sa trouble na pinasukan ko at napunta ako dito. May nagalit pa. Sobrang nakakahiya na pero wala talaga akong choice nung una.

Baka isipin pa nila guilty ako kapag mag pumilit ako.

Nang maka-uwi ako galing practice ay dumeretso na ako nang uwi dahil nangako ako kay Nica na pupunta kaming ng mall.

May kasama naman kaming dalawang bodyguards, mga tauhan ng Lolo niya.

“Arcade tayo ate Mary!” Parang 6 year-old na bata si Nica kung maka react.

Sinunod ko ang gusto niya. For almost 3 hours we spent out time playing games in the arcade. Pagkatapos ay nakaramdam na kami ng gutom kaya pumunta na rin kami sa food court.

Bigla ko tuloy naalala yung nangyari last month. Yung araw na muntik na akong mamatay—chos.

Kasama naming kumain ang mga kasama namin, but of course sa kabilang lamesa sila. Nakaka ilang kasi kapag kasama namin sila sa iisang lamesa e hindi naman namin sila ka close.

Kinagabihan ay nasa kwarto ko lang si Nica. Hindi naman halatang ma mi miss niya ako no? Tudo dikit sakin e.

Excited na rin ako para bukas but at the same time malungkot dahil ma mi miss ko ang mga tao dito.

Somehow they treat me like their own family. Lalo na yung mga maids nila.

Bigla akong kinabahan ng pumasok ang Mommy ni Nica sa kwarto. Kakausapin niya raw ako privately kaya lumabas si Nica confusedly.

Mary Madison (UNDER EDITING)Where stories live. Discover now