Chapter 9

2 0 0
                                    

Chapter 10: The b*tch

"Saan ka galing?" Tanong niya sa akin habang naka focus ang tingin sa daan.

Nagtataka nga ako kung bakit siya ang sumundo sa akin ngayon, siya lang mag isa.

"Di ba may tracker ako?bat di mo na track kanina?" Sarcastiko kong sabi sa kanya, Narinig ko siyang bumuntong hininga.

Oh asan na ang angas niya?Bat parang sumuko na siya sa kamalditahan ko?

"Wag kang basta basta mag tiwala" He suddenly said.

"Sa lahat nang pinagdaanan ko wala na akong tiwala sa mga tao so you don't need to remind me" Mapait na sabi ko at iniwas ang tingin sa kanya. Nakatingin lang ako sa labas nang bintana.

"Anong gagawin mo kapag nakita mo na ang mga magulang mo?" Sambit niya na nakapag patigil sa akin.

"Tatanungin ko sila kung bakit nila ako tinalikuran" I said while a single tears escape in my eyes.

"Lahat ay may rason Mary wag mong hayaan na kainin ka nang galit mo" Sambit niya, I laughed sarcastically.

"Wala kang alam...wala kang alam" Usal ko at hindi ko na ulit siya kinausap pa.

Galit?Galit ako sa sarili ko dahil kahit anong gawin ko isa pa rin akong walang kwentang tao kaya lahat nang tao ay iniiwan ako.

"Aray!" Daing ko nang bigla siyang mag break, buti nalang at naka seatbelt ako dahil kung hindi baka sira na ang mukha ko ngayon.

Tinignan ko siya nangay pagtataka may tinitignan siya sa harap.

"May nasagasaan ka?" Gulat na tanong ko at binalik ang tingin sa daan. Wala masyadong kotse ang dumadaan dito.

Biglang tumayo ang isang tao na may balabal sa mukha kaya hindi ko maaninag ang mukha niya. Pero yung suot suot niyang kwentas. Sigurado akong siya yun. May pendant na letter M siyang kwentas at may small crown pa sa taas nito.

Nagulat nalang ako nang makita ko na sa labas si Chief Velasquez. Nilapitan niya ang babae at sa tingin ko ay tinatanong niya kung okay lang ang babae. Kumunot ang noo ko nang bahagya niyang pagka gulat.

Napakabilis nang pangyayari agad tumakbo yung babae kaya mabilisang pumasok si Jb sa loob nang kotse.

Ang ipinagtataka ko bakit sa dirami rami nang mga police ay hindi pa rin nila nahuhuli itong si Aleng Madielaine or Monica.

Hindi kaya may kasabwat ito?

"Ano ba magpapakamatay ka ba?wag mo kong isama!" Malakas akong tumili dahil sa mabilis niyang pagmamaneho. Hinahabol namin ang babae.

"Abot kamay ko nasa e, bwesit" Nasabunutan niya ang sarili dahil sa pagka frustrate at tsaka pinaghahampas ang controller nang kotse.

OA nito.

"Di ba police ka?Pwede mo bang alamin kung saan lumipat nang school si Julia Cordova?" I suddenly muttered. Tinignan niya ako nang may pagtataka.
"Gusto ko lang talaga siyang makausap" I said.

"Susubukan ko" Sabi niya at nag drive nalang. Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa tapat nang bahay.

Pagpasok ko nang bahay at ay agad kong tinalon ang kama at huminga. Nakatitig ako sa ceiling nang kwarto.

Walang espesyal dito pero parang nakikita ko ang mukha nila Lolo at Lola.

Kapag talaga grumaduate na ako sisimulan ko na ang paghahanap kay Mama, I don't care kung wala na siya gusto ko lang talagang makita ang mukha niya kahit sa picture man lang.

Mary Madison (UNDER EDITING)Where stories live. Discover now