A/N:
If you haven't read the chapter 23. I didn't noticed that I wasn't able to post it. But I already edited so pag di mo nabasa. Balik ka.:)Chapter 24: Practice
Akmang susugurin na ako ni Aleng Madelaine ng biglang pumasok si Kyle at buti nalang napigilan niga si Aleng Madelaine. Kyle shot her using a syringe.
"Huwag mo dapat siyang hayaang humawak ng mga matutulis" Sambit ni Kyle habang inaalalayan si Aleng Madelaine upang makaupo sa sofa.
While me. I'm still in shock.
"Muntik na ako dun" Lumapit ito sa akin at syang ikinagulat ko ay ang pagyakap niya sakin.
"Kinabahan ako bigla para sayo" Usal nito. Umalis ako sa pagkakayakap sa kanya.
"Okay lang ba siya? Ano yung tinurok mo sa kanya?" Tanong ko at lumabas na rin ng kusina. Naramdaman ko naman ang pagsunod sa akin ni Kyle.
"Pampatulog lang yun. Alam mo na" Sabi nito at tumabi sa akin.
Matapos ang nangyaring muntikan ng pagsaksak sa akin ni Aleng Madelaine ay mas tinutukan pa namin siya sa pagbabantay. Itinago namin lahat ng mga bagay na posibleng makapag trigger ng personality niya.
Kinabukasan practice na naman namin. Maaga kaming natapos sa klase kaya wala akong ibang ginawa kundi tumambay sa library.
Ito lang kasi ang pinakatahimik na lugar na mapupuntahan ko ngayon.
Ngunit mas nagulat ako ng makita ko si Wayne na nagiisa. Natutulog siya.Hindi ko nalang siya pinansin. Asa siya. Pumunta ako sa pinaka dulo malapit lang rin kay Wayne. Wala akong choice e.
Pumili ako ng librong mababasa para malibang naman ako. Maya maya pa sa kalagitnaan ng pagbabasa ko ay nakaramdam ako ng mga titig.
Inangat ko ang tingin ko at nahuli ko si Wayne na naka tingin sa akin. Iniwas niya rin agad ang tingin niya.
Kumunot ang noo ko at hindi nalang siya pinansin. Ngunit nahuli ko ulit siyang nakatingin sa akin, sa ikalawang pagkakataon.
"Bakit mo ba ako tinitignan?" Inis na tanong ko. Kung may gusto siyang sabihin. Sabihin niya na agad hindi yung nagpapaka misteryoso siya.
Hindi niya ako sinagot. Iniwas niya lang ang tingin niya sa akin.
Tumayo nalang ako. 20 minutes nalang mag-sisimula na ang practice namin.
Napahinto ako ng hawakan niya ang braso ko.
Napatingin ako sa kamay niya na agad niya namang binitawan ang braso ko.
"Ano-P-practice" Sabi nito. Na uutal pa.
"Alam ko. Papunta na nga ako" Sambit ko at tinalikuran na siya. Gusto ko mang maka usap siya pero sigurado akong wala na namang patutunguhan ang paguusap namin.
Susungitan lang ako nun.
Pumasok ako sa Music room, ako lang mag isa dahil may 15 minutes pa.
After 15 minutes nagsidatingan na ang mga kasama ko. Unang dumating si Ashley, huli namang dumating si Wayne.
That should be me. Yan ang pa practice-in namin ngayon.
Actually dalawang song ang kailangan namin e practice para madali king matapos at rehearsal nalang kapag tapos na lahat.
Pwesto na kami lahat sa stage. Si Wayne sa drum, si Ash sa Piano at si Kyle naman sa guitar.
Kaming dalawa ni Zyke ang lead singer.

YOU ARE READING
Mary Madison (UNDER EDITING)
Misteri / ThrillerStarted: July 2, 2021 Ended: November 24, 2021 You can read the English Version in Goodnovel